^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Dahan-dahan sa pagkukumpulan

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Dahan-dahan sa pagkukumpulan

Mula nang ipatupad ang Alert Level 1 sa Metro Manila at 38 lugar noong Martes, dumami na ang mga sumasakay sa pampublikong sasakyan. Sa Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT), apaw na ang mga pasahero. Halos magkapalitan na ang mukha. Pati mga bata nakikisiksik. Buhos ang mga tao na walang ipinagkaiba noong hindi pa tumatama ang pandemya..

Sa dyipni, apaw na rin. Mayroon nang mga nakasabit at dikit-dikit kahit sinabi ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na bawal ang sabit. May mga nakatayo na rin sa mga pampasaherong bus kahit sinabing bawal ang sobrang pasahero at walang tatayo.

Marami na ring traysikel ang namumulaklak sa pasahero. Lima ang sakay na pasahero at hindi na naipatutupad ang physical distancing. Kapansin-pansin din na ang mga pasahero at mismong traysikel drayber ay walang face mask.

Noong Martes, nagbabala ang medical frontliners na maaaring magkaroon ng surge ang COVID-19 dahil sa pagluluwag na ipinatutupad sa Metro Manila at marami pang lugar. Nakababahala umano ang paglabas ng mga tao dahil sa pagluluwag ng restrictions.

Ayon kay Philippine College of Physicians president Maricar Limpin sa isang interview, noong mag-Alert Level 2 noong nakaraang Disyembre, bigla ring dumami ang mga tao at ang resulta, biglang tumaas ang kaso. Ayon pa kay Limpin, makikita ang epekto ng pagluluwag sa loob ng dalawa o tatlong linggo. Sa loob ng panahong ito makikita ang bagong pagtaas ng infection. Kapag nangyari ang muling pagtaas ng COVID, ang mga frontliner na naman ang kawawa sapagkat hanggang sa ngayon daw ay wala pang pahinga ang mga ito.

Dahan-dahan lang muna sa pagkukumpulan sapagkat narito pa ang virus. Bagama’t bumababa na ang mga arawang kaso, nananatili pa rin sa paligid ang virus at maaaring dumami muli ang kaso. Sumunod sa ipinag-uutos na patuloy na mag-face mask, maghugas ng kamay at panatilihin ang physical distancing. Huwag munang magkampante sa ngayon.

MMDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with