^

PSN Opinyon

Bakuna Makati vax sites, sa barangay health centers na

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

Isa-isa na nating isinasara ang mga vaccination sites sa mga pampublikong paaralan sa Makati at inililipat na ang mga ito sa health centers sa mga barangay.

Una, ito ay upang maihanda na ang mga eskuwelahan­ sa pagbabalik ng face-to-face classes sa lalong madaling­ panahon. Maraming kailangang ayusin at gawing modipi­kasyon para maging ligtas ang kalusugan ng mga bata sa kanilang pagbabalik sa eskuwela.

Ikalawa, dahil mataas na ang vaccination rates sa lungsod. Paunti na nang paunti ang mga kailangang bigyan ng booster shots. Kaya nang i-accommodate ng health centers sa kani-kaniyang komunidad ang mga residente para sa kanilang second dose sa primary series o booster shot. Kaya naman magiging mas madali na para sa kanila ang magpunta sa pinakamalapit na health center.

Binuksan natin ang mga bagong vaccinations sites sa East Rembo Health Center, Cembo Health Center, at Rizal Health Center. Bukas ang mga ito para sa mga adult na residente at empleyado.

Samantala, ang Guadalupe Viejo Health Center naman ay binuksan para sa mga pediatric cases, o mga batang 5 hanggang 11 taong gulang. Bukas pa rin ang Nemesio I. Yabut Elementary School sa Guadalupe Nuevo para sa mga batang babakunahan.

Bukas pa rin ang vaccination sites sa Makati Coliseum, Ayala Malls Circuit, at San Lorenzo Place Mall sa regular operating hours.

Sa ngayon, nakapagbigay na tayo ng 545,496 para sa first dose; 515,631 para sa second dose; at mahigit 197,000 para sa booster shots. Ang mga bilang na ito ay mula sa datos ng lokal na pamahalaan, kasama ang private hospitals, at ilang pribadong kompanya.

Sa puntong ito, nais kong magpasalamat sa inyong lahat para sa inyong kooperasyon, pasensya, at lubos na tiwala sa pamahalaang lungsod at sa ating Bakuna Makati program. Naging matagumpay ito dahil hindi kayo nag-atubiling bigyan ng prayoridad ang inyong kalusugan at kaligtasan.

Magsisimula na po ang bagong yugto sa kasaysayan ng Makati. Sama-sama tayo sa pag-back to normal at lalong pagpapasigla sa pamumuhay, pagtatrabaho, at pagnenegosyo dito sa mga susunod na buwan at mga taon,

EAST

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with