Lagot ang jueteng sa probinsiya ni Cagayan Gov. Manuel Mamba. Iniutos ni DILG Sec. Eduardo Año na salakayin ang mga illegal gambling dens at arestuhin ang kanilang mga managers, operators, agents at employees. Sa memorandum na inisyu nitong Peb. 16 kay Philippine National Police (PNP) chief Gen. Dionardo Carlos, sinabi ni Año na dapat ipasara ang lahat ng mga pasugalan na hindi saklaw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
“This pertains to the information received by the Department regarding the proliferation of illegal numbers games, including jueteng, bookies, lotteng, last two and other similar operations in several provinces without authorization from the Philippine Charity Sweepstakes Office and othe relevant Courts and agencies of the government to the detriment of PCSO agent corporations and licensed operators of authorized numbers games” ani Año kay Carlos sabay utos na tuldukan na ang operations ng illegal numbers games. Araguuyyyyy! Hak hak hak!
Nasagot ni Sec. Año ang matagal nang panalangin ni PCSO General Manager Royina Garma, di ba mga kosa? Mismooooo! Dipugaaaaa!
Noong 2019 pa sumulat si Garma sa PRO2 para ipa-sara ang authorized agent ng Small Town Lottery (STL) na Charity Games of Chance Corp. (CGCC) sa Cagayan subalit deadma lang ang PNP dito. Kahit walang resumption order mula kay Garma, patuloy ang operation ng CGCC kaya’t maliwanag pa sa sikat ng araw na jueteng na ito, di ba mga kosa? May balita na nakarating kay Sec. Año na ang CGCC, na nasa likod ng jueteng sa Cagayan, ay pinatatakbo ng mga miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class ‘84. Si Año ay miyembro ng PMA CLass ‘83 kaya underclass niya ang nasa likod ng CGCC na may utang sa PCSO ng mahigit P1 bilyon. Get’s n’yo mga kosa?
Kaya walisin mo na ang jueteng sa Cagayan, Sec. Año Sir para pumasok na ang bagong STL at makinabang ang gobyerno ni President Digong. Dipugaaaaa! Hak hak hak! Tama lang ang matandang kasabihan na ang lahat ng ilegal ay may katapusan din, di ba mga kosa? Mismooooo! Hihihi! Kanya-kanyang raket lang ‘yan!
Samantala, ang lumang operator ng STL sa Pangasinan ay may P240 milyon na utang din sa PCSO kaya luminya rin sila sa jueteng. Subalit ayon kay Garma, nagkaroon ng bidding sa Pangasinan kaya bago na ang authorized agent nila roon at wala pang balita kung nakapag-umpisa na ito. Marami pang area sa Pinas na jueteng din ang palaro dahil sa pakikialam ng mga pulitiko kaya tama lang ang kautusan ni Sec. Año na salakayin at ipasara ang mga ito dahil walang pakinabang dito ang gobyerno ni President Digong. Ayoosssss! Dipugaaaaa!
Binigyan ni Año si General Carlos ng isang buwan para linisin ang Pinas sa illegal numbers games at magsumite ng report sa undersecretary for Peace and Order ng DILG. Ang saya-saya! Kapag nawalis na ang pasugalan sa bansa, tataas ang kita ng PCSO at masusuportahan nito ang mga proyekto ng gobyerno ni President Digong. Hak hak hak! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Abangan!