Ang kadalasang dahilan ng panunuyo ng balat ay dahil sa matagal na paligo at paggamit ng matatapang na sabon.
Mga paraan kung paano gagamutin ang dry skin:
1. I-moisturize ang balat – Ang moisturizer ay nagsisilbing pangtapal sa balat na nakatutulong mapanatili ang magandang balat. Kung ang balat ay sobrang nanunuyo maaaring mag-apply ng oil, habang ang balat ay basa-basa pa pagkatapos maligo. Ang oil ay mas tumatagal sa balat kaysa sa moisturizer.
2. Iwasang gumamit ng matatapang na sabon – Kung may panunuyo sa balat, mas makabubuting gumamit ng cleansing creams, gentle skin cleansers, at bath o shower gels na may kasamang moisturizers. Pumili ng mild na sabon na nagdaragdag ng oil at fats. Iwasan ang deodo-rant at anti-bacterial detergents na matatapang.
3. Limitahan ang oras ng paliligo – Ang pagligo sa mainit na tubig nang mahabang oras ay nakaaalis ng oils sa balat. Gawing 15 minutes o mababa pa ang pagbabad sa tubig. Gumamit lang ng maligamgam sa halip na mainit na tubig.
4. I-moisturize ang balat pagkatapos maligo – Pagkatapos maligo, dahan-dahang i-dampi-dampi ang towel para tuyuin ang balat upang manatili ang moisture sa balat. I-moisturize agad ang balat gamit ang oil o cream para ma-trap ang moisture sa balat.
5. May tulong ang aircon – Ang mainit na pakiramdam sa loob ng bahay ay nakapagpapalala ng pangangati at pagbabalat. Pumili ng aircon na kaya ng budget at pa-ngangailangan. Siguraduhin na laging malinis ang aircon para makaiwas sa pagbuo ng bakterya at fungi.
6. Gumamit ng mga natural na tela – Ang tela gaya ng cotton, silk ay hinahayaan ang iyong balat ay makahinga. Kung lalabhan ang mga damit, gumamit ng sabon na walang pabango.
7. Kung hindi mapigilan ang pangangati kung nanunuyo ang balat – Maglagay ng cold compress sa mga balat na apektado.
8. Kumunsulta sa dermatologist kung lumala ang kondisyon.