^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Asukal naman ang aangkatin!

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Asukal naman ang aangkatin!

ANG Pilipinas ay agrikultural na bansa na may 30 milyong ektarya ng lupain kung saan 47 porsi­yento nito ay taniman. Napakayaman ng lupa sa bansa na kapag maayos na nataniman, nagbubunga nang masaganang ani. Hindi magugutom ang mga Pilipino sapagkat maraming pagtataniman ng palay, mais, tubo, saging, niyog, gulay at marami pa. Malawak din ang karagatan na nakapaligid sa bansa kaya maraming isda at lamandagat na mahuhuli mula rito.

Pero kabaliktaran ang nangyayari ngayon. Naturingang agrikultural na bansa pero umaangkat ng bigas sa China, Vietnam at Thailand. Ang kinakain ng mga Pinoy sa kanilang hapag kainan ay bigas na ani sa ibang bansa. Ang lawak ng palayan sa Inambayan pero umaangkat ng bigas para matustusan ang pangangailangan. Nakakahiya! Pinapatay ang mga local na magsasaka.

Malawak ang karagatan at sagana sa iba’t ibang uri ng isda pero aangkat ng galunggong sa mga katabing bansa. Ayon sa Department of Agriculture, aangkat ng 60,000 metriko tonelada ng galunggong ang Pilipinas sapagkat hindi pa raw nagno-normalize ang local supply dahil sa pananalanta ng Bagyong Odette. Kukulangin daw ang supply ng galunggong sa first quarter ng 2022 at kailangang mapunan ang 119,000 metriko toneladang kakulangan. Ang kawawa ay mga local na mangingisda na inagawan ng kabuhayan.

At ngayon pati asukal ay aangkatin na rin. Ayon sa Sugar Regulatory Administration (SRA), 200,000 metrikong tonelada ng asukal ang aangkatin ­ngayong taon na ito para ma-stabilize ang presyo. Ayon sa SRA, nagkaroon ng kakulangan sa suplay ng asukal dahil sa epekto sa Bagyong Odette. Grabeng pagkalugi umano ang dinanas ng sugarcane sector na umabot sa P1.15 bilyon.

Pero sabi ng Vicmico Planters Association, masyado raw malaki ang inaangkat ng SRA. Ang suhestiyon lamang umano nila sa SRA ay 50,000 metriko tonelada hanggang 150,000. Sinang-ayunan din ito ng iba pang sugar producers.

Ano pa bang pagkain ang aangkatin ng Pilipinas na naturingang agrikultural na bansa? Lagi na lang ba na ganito na nakadepende sa ani ng ibang bansa? Malaking hamon ito sa mananalong presidente sa Mayo. Nararapat paunlarin ang mga lupang sakahan upang makapagbigay ng sobra-sobrang pagkain sa bawat hapag ng mga Pilipino. Huwag umasa sa imported na bigas, isda at asukal.

SUGAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with