^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Walang malinis na inuming tubig

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Walang malinis na inuming tubig

Hanggang sa kasalukuyan, marami pa ring Pilipino ang walang malinis na inuming tubig. Sa kabila na marami nang modernong pamamaraan kung paano magkakaroon nang malinis na tubig, nanatili pa ring salat ang mga Pilipino sa pangunahing pangangaila­ngan na ito sa araw-araw. Marami sa mga kababayang nasa liblib na lugar sa bansa ang walang malinis na inuming tubig. Kung mayroon mang pinagkukunan ng inuming tubig, ito ay kontaminado. At ito ang dahilan kaya marami sa kanila ang nagkakasakit ng cholera. Kabilang sa mga sintomas ng cholera ang pagtatae o diarrhea. Noong 2016, 139,000 katao ang namatay sa bansa dahil sa diarrhea.

Noong 2011, 20 miyembro ng isang tribu sa Bataraza, Palawan ang namatay dahil sa cholera. Kawalan din nang malinis na tubig ang dahilan ng cholera outbreak. Pinalala ang sitwasyon dahil maruming kapaligiran. Dahil walang kubeta, kung saan-saan na lang dumurumi ang mga ­miyembro ng tribu. Ang pinagkukunan nila ng ­inuming tubig ay kontaminado. Labimpito sa 22 barangay sa Bataraza ay apektado ng cholera outbreak. Limandaang katao ang nakatira sa 17 barangay.

Ang nangyari noong 2011 at 2016 na pananalasa ng cholera ay nangyayari na naman ngayon. Marami pa talaga ang walang malinis na inuming tubig lalo na ang mga nasa liblib na lugar sa bansa. Anong ginagawang hakbang ng lokal na pamahalaan at tubig lamang ay hindi pa maserbisyuhan ang nasasakupan.

Noong nakaraang Huwebes, nagkaroon ng cholera outbreak sa pitong barangay sa Davao Oriental. Tatlo ang iniulat na namatay na kinabibilangan ng isang 11-buwan na sanggol. Tinatayang 500 kato ang apektado ng ­cholera. Isinisisi ang cholera sa kontaminadong pinagkukunan ng tubig. Marami na umanong nagpapayo na linisin ang pinagkukunan ng tubig subalit hindi ginagawa ng mga awtoridad. Noong nakaraang Nobyemre 2021, nagkaroon na ng diarrhea ang mga residente subalit hindi pa rin nililinis ang source ng inuming tubig.

Sa Mayo ay maghahalal ang mamamayan ng bagong presidente at mga lokal na pinuno. Nawa, ang maihahalal ay magkaroon ng pagmamalasakit sa mamamayan na pagkalooban nang malinis na inuming tubig upang makaligtas sa nakamamatay na sakit.

TUBIG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with