Ang sangkot na lupa sa kasong ito ay nasa Maynila at may titulong TCT Blg. 196082 sa pangalan ng magkapatid na Larry at Andy. Ito ay inaarkila ni Ramon na interesado rin na bilhin ang lupa. Kaya para mabenta, gumawa ng kasulatan ng bentahan o deed of sale ang mag-utol pabor kina Diego at Delia na mga magulang ni Ramon. Ang lalaki ang nagbayad sa lupa. Pagkatapos ay kinontrata niya si Minda para ilipat nito sa pangalan niya ang lupa. Pagkatapos ay nakuha ni Minda ang titulo blg. 271840 na nakapangalan kay Ramon. Binayaran niya ang kaukulang gastos at buwis para maparehistro ang lupa at maibigay ang titulo kay Ramon.
Isang taon ang lumipas isang grupo ng mga tao na bitbit ang kopya ng titulo bilang 196082 ang pumunta roon. May special power of attorney (SPA) din sila na nakatatak sa titulo bukod sa real estate mortgage (REM) sa lupa. Naalarma si Ramon kaya agad na pumunta sa Register of Deeds para makita ang totoo. Napag-alaman niya na peke ang titulo. Idagdag pa na ang totoong pinagbigyan ng SPA nina Larry at Andy ay si Linda kung saan humiram sila ng P800,000 mula kay Nancy pabor sa magkapatid. Gumawa pa nga si Linda ng kasunduan sa pagsangla pabor kay Nancy. Nang hindi mabayaran ni Linda ang utang, inilit ni Nancy ang lupa.
Para naman protektahan ang kanyang karapatan, sinampahan ng kaso ni Ramon si Nancy at hiniling sa korte na ipawalambisa ang SPA at REM pati isuko ang orihinal ng titulo blg. 196082. Wala raw SPA na ginawa ang magkapatid na lalaki pabor kay Linda. Tumestigo rin si Linda na walang ginawang SPA pabor sa kanya ang magkapatid.
Pero sa huli, binasura pa rin ng korte ang reklamo ni Ramon. Ayon sa korte, ang paratang na pineke ang pirma ay dapat patunayan gamit ang malinaw na ebidensiya. Walang ebidensiyang ipinakita si Nancy tungkol sa malinis nilang hangarin na isangla ang lupa. Wala rin siyang kamalay-malay na may sabit ito. Kaya pareho ang naging hatol ng Court of Appeals at ng RTC. Tama ba ang SC at RTC?
Ayon sa SC, nagkamali ang mababang hukuman sa pag-aaral ng ebidensiya na naging dahilan kung bakit magkakakontra ang detalye sa kaso. Muling inulit ng SC ang pagsusuri ng mga ebidensiya at records. Ayon sa SC, base sa Deed of Absolute Sale pabor sa mga magulang ni Ramon at sa mga salaysay ng ibang tao na nagpapatunay sa pagkakaiba ng mga pirma, ay lumalabas na malayo ang pirma sa mga dokumento at kinumpirma pa nga ito nina Larry, Andy at Linda. Nagkamali ang RTC at CA nang inakala nila na walang mga dokumento na mapagpapakumpara sa mga pirma ng mga taong sangkot para makumpara din kung sino ang totoo at pekeng pirma. Pati nga ang pagtawag ng handwriting expert bilang witness ay hindi na kailangan.
Sa kabilang banda, hindi rin masasabing malinis ang hangarin ni Nancy o hindi siya “mortgagor in good faith”, ika nga. Hindi siya dumirekta sa taong nakapangalan sa lupa. Ibayong ingat ang kailangan kapag kaharap ang mortgagor. Napag-alaman din na hindi niya personal na inimbistegahan ang katayuan ng nagbenta o ang lupang ugat ng alitan nila. Kahit pa nga naroon ang presensiya ni Ramon ay hindi siya nagtanong. Isang simpleng imbestigasyon lang ang magpapatunay na mga magulang ni Ramon ang dating may-ari ng lupa at bumagsak lang nag negosyo kaya napilitan na ibalik ang pamamahala sa kanya. Pati nga magkapatid ay tumestigo na rin. Nararapat lang na baliktarin ang desisyon ng RTC at CA. Tama lang na baguhin o isantabi ang desisyon ng RTC at CA. Ang Register of Deeds ay dapat ding utusan para ikansela ang annotation ng SPA/REM. Ipinag-uutos din ng hukuman na isuko ni Nancy ang tunay na titulo para sa annotasyon (Yabut et. al. vs. Nachbaur, G.R. 243470, January 12, 2021).