^

PSN Opinyon

EDITORYAL - COVID vaccine sa mga bata

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - COVID vaccine sa mga bata

KAHAPON ang nakatakdang pagbakuna sa mga bata na may edad lima hanggang 11 pero hindi natu­loy at sa halip, sa Lunes (Pebrero 7) ito gagawin. Ayon kay National Task Force ( NTF) imple­menter Carlito Galvez Jr. ang pagpapaliban ng pediatric vaccination ay dahil sa naatrasadong arrival ng COVID-19 Pfizer vaccines. Dapat dumating ang Pfizer noong Miyerkules ng gabi pero dahil sa logistical challenges, hindi ito nakarating kaya ipinagpaliban ang pagbabakuna. Kagabi, dumating na ang Pfizer vaccines kaya tuloy na tuloy na ang pagbabakuna sa Lunes. Ayon kay Galvez, nagtalaga ang pamahalaan ng dalawang vaccinaton sites sa bawat siyudad sa Metro Manila.

Naghahatid naman ng pangamba ang obserbas­yon ng Department of Health (DOH) na patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID sa mga bata. Kung ang kaso ng COVID sa mga matatanda o adult ay buma­baba, kabaliktaran naman na tumataas ang kaso sa mga bata. Ayon sa DOH, mula Enero 24-30 ng taong kasalukuyan, 632 kaso ng COVID cases ang naitala sa mga bata na may edad lima pababa. Sa mga edad lima hanggang 11, naireport ang 586 kaso ng COVID mula Setyembre 2021 hanggang Enero 2022.

Nararapat na talagang ipursigi ang pagbaba­kuna sa mga bata para magkaroon sila ng proteksiyon. Sa ibang bansa, tulad sa Israel, nabakunahan na halos lahat ng mga bata kaya wala nang pangamba ang mga magulang na magkakasakit nang malubha ang kanilang mga anak.

Sa kabila naman na tiniyak ng World Healh Organization (WHO) na ligtas ang COVID vaccine sa mga bata, may mga tumututol pa rin dito. Dalawang magulang ang naghain ng petisyon para mag-isyu ng TRO ang Quezon City RTC. Ayon sa petitioners, nasa panganib ang mga bata sapagkat puwersahan ang COVID vaccination sa mga ito. Naghain din ang mga magulang ng reklamo sa mga opisyales ng DOH.

Nananariwa ang kontrobersiya ng Dengvaxia na nangyari noong 2016 kaya may mga pagtutol. Pero hindi naman ito dapat ipareho ang Dengvaxia sa CO­VID vaccine. Nagkaroon ng pagkakamali ang manufacturer ng Dengvaxia kaya may mga namatay. Sa COVID vaccine, tinitiyak na ligtas ito sa mga bata. Dapat paniwalaan ang sinasabi ng mga eksperto para mailigtas ang mga bata sa bangis ng COVID.

COVID-19 VACCINE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->