^

PSN Opinyon

Dapat tapat at magalang ang isang abogado

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

Si Atty. Mario Makaso ang abogado ni Rica Laso na nagsampa ng kaso laban sa asawa nitong si Ricardo Valdez para maipawalambisa ang kanilang kasal. Habang dinidinig ang kaso ay nag-post sa Facebook tungkol sa kopya ng petisyon si Atty. Makaso at pinadala kay Jimmy Velasco, anak ni Ricardo.

Nakalagay sa post: “Pakitingnan mo ang iyong ama iho at huwag mo siyang gagayahin ha”. Ang titulo ng post ay “ang matalino at babaerong mister”.

Kumbaga, ang buod ng nakasulat nagpakasal daw ang lalaki sa ikalawang misis habang buhay pa naman ang unang asawa. Pero kahit daw walang pag-aalinlangan na may krimen ng bigamya ay ang lalaki pa ang nagsampa ng kaso para ipe­tis­yon ang pagpapawalambisa ng pangalawang kasal. Pero ang palusot daw sa RTC ay ang kawalan ng marriage license at hindi ang isyu tungkol sa bigamya.

Kung may interesado raw magbasa ay nakapaskil naman ang kopya ng petisyon. Ang layunin daw sa pagsasampa ng petisyon ay para pigilan ang pangalawang asawa na magsampa ng kasong kriminal para sa bigamya at tuloy ay ituring itong “prejudicial question” o isang tanong/isyu na kailangan munang iresolba bago makausad ang kaso.

Dahil sa mga ipinadala sa Facebook, nasampahan ng kasong administratibo si Atty. Makaso para sa disbarment sa IBP (Integrated Bar of the Philippines).

Sa kanyang sagot ay inamin naman ni Atty. Makaso ang mga nakalathala sa facebook post niya at ang pinadala niyang link sa anak ni Ricardo na si Jimmy. Pero itinanggi niya ang panghihiya kay Ricardo at ipinipilit na isa lang siyang hamak na tagapagsalita o spokesperson para sa kliyente niya na si Rica. Hindi raw niya sinisiraan ang reputasyon ni Ricardo Valdez sa facebook at hindi siya dapat parusahan sa “libel” dahil ang sinabi lang niya ay pawang katotohanan tungkol sa petisyon ng pagpapawalang-bisa sa kasal nina Ricardo at Rica Valdez.

Pero napatunayan ng IBP na nilabag ni Atty. Makaso ang patakaran tungkol sa pagpapanatili sa sikreto sa mga pagdinig sa Family Court. Ang rekomendasyon ng IBP ay ang suspen­dihin siya sa loob ng isang taon. Kahit ano pa raw ang palusot ni Atty. Makaso na tumatayo lang siyang kinatawan o spokesperson ng kaniyang kliyente o ang karapatan niya sa freedom of expression bilang isang journalist blogger ay nagkamali pa rin daw ang abogado at nilabag ang CPR.

Kinatigan ng SC ang IBP at sinabing dapat managot sa kasong administratibo si Atty. Makaso dahil sa mga posts niya at kopya ng petisyon na nakabalandra sa facebook account niya. Ayon pa sa SC ay hindi puwedeng paghiwalayin ng isang tao ang katauhan niya bilang isang abogado at bilang isang ordinaryong mamamayan. Hindi pa rin mababago ang kanyang tungkulin bilang isang miyembro ng Bar kahit pa kumikilos siya para sa kliyente bilang tagapagsalita nito o dahil ginagamit lang niya ang karapatan sa malayang pamamahayag bilang isang journalist blogger.

Wala raw pag-aalinlangan na nilabag ni Atty. Makaso ang batas (RA 8369, Section 12 RA 8369 – Family Court Act) na nagbabawal sa paglalathala ng mga record ng Family Courts. Paglabag din ito ng kanyang tungkulin bilang abogado sa ilalim ng Canon 13, Rule 13.02 CPR na nagbabawal sa pag­lalabas ng maseselan na impormasyon tungkol sa kaso pati isinangkot pa ang kanyang mabibigat na opinyon sa karakter ni Ricardo at sa mga sirkumstansiyang sangkot.

Idagdag pa na maraming masasakit na salita tulad ng halimbawa ng kriminal, babaero, arogante, manloloko at iba pa ang  naging sentro ng post na direktang patungkol kay Ricardo kaya nilabag din niya ang Rule 801 ng CPR na nagbabawal sa maaanghang at mapang-abusong salita na hindi magandang kilos ng isang abogado. Bagama’t mabigat ang mga binibitawan na salita ng isang abogado ay dapat pa rin na timbangin niyang mabuti kung nasa ayos pa ang kanyang sinasabi o hindi na maganda at nakakabastos na sa iba. Dapat na laging tapat at magalang ang isang abogado sa pagkamit ng tagumpay para sa kanyang kliyente (Velasco vs. Causing, A. C. 12883, March 2, 2021).

RICARDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with