DSWD: 71-taon nang nagsisilbi sa Pinoys

 Sa 2021 Philippine Trust Index (PTI), 88 percent ng mga Pilipino ang nagtitiwala sa DSWD. Dahil sa mataas na tiwala ng publiko, lalong sumisigla ang DSWD para paghusayin pa ang social protection programs sa mga mahihirap.

Tampok sa 71 taon ng DSWD ang mga programang: Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services, Self-Employment Assistance Kaunlaran Program o ang Sustainable Livelihood Program, Supplementary Feeding Program, Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), Social Pension Program, Yakap Bayan Program, Assistance to Individuals in Crisis Situation, Disaster Response Programs at Social Amelioration Program.

Isinusulong din ng DSWD ang Juvenile Justice and Welfare Act, Senior Citizens Act, Centenarian’s Act,  4Ps Act, Magna Carta for Social Workers, An Act Establishing the Social Welfare Attache at National Commission on Senior Citizens Act.

Ginawaran ang DSWD ng Silver Trailblazer Award ng Multi-Sectoral Governance Council dahil sa pagkakaroon nito ng konkretong resulta, regular na dokumentasyon ng progreso ng stratehiya, proseso para sa pagtuturo para sa ikagagaling ng lahat ng empleyado, mekanismo para bigyan ng pagkilala ang mga natatanging empleyado at aktibong pakikibahagi ng partners nito.

Ngayong 2022, hangarin ng DSWD na magawaran ng International Standard Organization (ISO) 9001-2015 Certification para sa Quality Management ­System upang masiguro ang kalidad na serbisyo sa taumbayan.

Kinikilala rin ang mga kaagapay ng DSWD sa pagganap ng tungkulin nito sa pamamagitan ng Pagkilala sa Natatanging Kontribusyon sa Bayan (Panata Ko sa Bayan Awards) na igagawad sa mga indibidwal o grupo na nagserbisyo upang maisulong ang social protection programs.

Asahan ng taumbayan ang pangako ng DSWD na “Maagap at Mapagkalingang Serbisyo!”

* * *

Para sa suhestiyon: art.dumlao@gmail.com

Show comments