^

PSN Opinyon

Welcome to the club!

REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda - Pilipino Star Ngayon

Twenty three years naging boxing world champion si Sen. Emmanuel D. Pacquiao. Nagsimula ito noong 1998 nang napanalunan ang una sa kanyang record 8-division championship run.

Lahat nang boksingerong nagwawagi sa kanilang di­bis­yon ay tinataguriang “champ”. Sa lahat ng champ, si Pacquiao na marahil ang pinakakarapat-dapat sa parangal­. Dahil sa kanyang kakaibang rekord, walang tatawad na naaayon sa kanya ang karangalan.

Kung kaya nasasapawan ang tagumpay ng iba pa nating­ kababayan sa boxing. Mula pa nang manalo sa world stage si Pancho Villa noong 1923, ang Pilipinas ay hindi napapag-iwanan sa professional boxing. Sa talaan ng mga bansa na nakapagprodyus ng mga world boxing champion, ang Pilipinas ay nasa top 9. Subalit mahirap pangalanan ang iba pang kampeon lalo na noong aktibo­ pa si Senador Manny dahil sa sinag ng kanyang kasikatan.

Ang latest nating champ ay si Mark “Magnifico” Magsayo na nasungkit ang WBC featherweight crown mula kay Gary Russell, Jr. ng USA. Malinaw na tinalo ni Magsayo ang five years undefeated na si Russell. Ikinagagalak­ ng bansa ang pagdating sa eksena nitong pinakahuli nating­ pambato, pang 46 na yata nating world champion sa kasay­sayan.

Ngayong retirado na si Senator Manny, mas mapa­pansin na ang iba pa nating mga kampeon. Ikalima si Magsayo sa active champions, kasama sina Jerwin Ancajas, John Riel Casimero, Rene Cuarto at Nonito Donaire. Hindi nila madaling sundan ang naging rekord ni Senator Manny. Walang makapagsasabi kung hanggang saan makaka­rating ang mga kababayan nating ito. Nandiyan na sila sa tugatog – ibig sabihin, taglay nila ang formula at kakayahan para manalo. Ang sikreto na lang ay kung paano mana­natili at magtatagal sa top of the game kagaya ng ginawa ni Senator Manny.

PACQUIAO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with