^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Mga mangingisda naman ang ‘papatayin’ ng DA

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Mga mangingisda naman ang ‘papatayin’ ng DA

Noong nakaraang taon, dumagsa ang mga smuggled na gulay sa bansa – carrots, luya, bawang, repolyo, cauliflower at mga prutas na gaya ng strawberry at ubas. Hanggang ngayon patuloy ang vegetable smuggling at walang ibang namatay kundi ang mga lokal na maggugulay. Bigumbigo ang mga nagtatanim ng carrots sa Benguet sapagkat nawalan sila ng ikinabubuhay. Ang dating 300 sako ng carrots na dinadala nila sa Maynila ay 100 na lang at hindi pa nauubos. Sa mga palengke sa Metro Manila, partikular sa Balintawak at Blumentritt, pawang carrots na smuggled ang makikita. Halatang-halatang imported ang mga carrots dahil malalaki kumpara sa mga carrots na ani sa Benguet at Baguio. Pati mga luya ay halata ring imported dahil malalaki. Sabi ni Agriculture Sec. William Dar, iimbestigahan ang pagdagsa ng mga gulay. Ipakukumpiska umano niya. Wala raw siyang ina-awtorisa na mag-import ng gulay. Nagpatuloy ang smuggling ng gulay at nabaon sa hirap ang mga lokal na vegetable farmers.

Ngayon naman mga mangigisda ang “papatayin” ng DA dahil sa balak na pag-import ng 60,000 metriko tonelada ng galunggong. Ayon sa DA, kailangang mag-import ng galunggong sapagkat hindi pa nagno-normalize ang local supply dahil sa pananalanta ng Bagyong Odette. Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) kukulangin ang supply ng galunggong sa unang tatlong buwan ng 2022. Nasa 119,000 metriko tonelada umano ng galunggong ang kakulangan.

Napapaligiran ng karagatan ang Pilipinas at sagana sa isda at iba pang mga lamandagat kaya nakapagtataka kung bakit kailangan pang mag-import ng galunggong. Paano na ang ikabubuhay ng mga lokal na mangingisda kung itutuloy ng DA ang balak na pag-import? At saang bansa iimporta ng galunggong? Sa China? Ang mga Chinese ­fishermen ay sa karagatan ng Pilipinas nangingisda. Ang nahuhuli nilang galunggong ang bibilhin ng Pilipinas. Anong nangyayari sa DA?

DA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with