^

PSN Opinyon

Malabong paningin

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Iba’t iba ang dahilan nang paglabo ng paningin. Maa­aring simpleng paglabo lang ito at maaari rin na sintomas ng nakababahalang sakit.

Ang bawat isa ay maaaring magkaroon ng problema sa mata. Karaniwan, ito ay dahil lamang sa nababago ang lens ng mata. Ang paggamot nito ay maaaring ang paggamit ng salamin.

Ngunit ang paglabo ng paningin, kasama ang sakit sa mata ay maaaring senyales ng glaucoma, isang seryosong kondisyon kung saan tumataas ang presyon sa loob ng mata. Kung nakararanas ng isang madilim na paningin sa isang lugar kung saan hindi mo makita ang ilang bagay, nararapat nang magpatingin sa doktor sa mata.

May iba pang seryosong sakit sa mata tulad ng retinal detachment, diabetic retinopathy, at maging ang stroke at tumor sa utak.

Ang mga sakit sa paningin ay maaaring sanhi ng mga problema sa utak. Ang linaw ng paningin ay kinokontrol hindi lamang ng mga structure ng eyeball (cornea, lens, retina at optic nerve) kundi pati na rin sa mga lugar ng utak kung saan matatagpuan ang mga sentro ng mata ng utak (nasa likod ng ulo).

Kaya mula sa mata hanggang sa utak, maaaring ­maging sanhi ng mga problema sa paningin. Iyon ang dahilan kung bakit pinakamabuting kumunsulta muna sa isang espesyalista sa mata.

DIABETIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with