^

PSN Opinyon

Mga dapat gawin kung may lagnat

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Pangkaraniwan sa isang tao na magkaroon ng tatlong beses na paglalagnat bawat taon. Kadalasan ay trangkaso, sipon, o ubo ang dahilan.

Ang lagnat ay isang pamamaraan ng katawan para labanan ang impeksiyon. Kapag may lagnat, pumupunta ang dugo mula sa ating balat at papasok sa mga organo ng katawan. Dahil dito, mas napupuksa ang mga impeksiyon.

Narito ang mga dapat gawin kung may lagnat:

1. Siguraduhin na may lagnat talaga. Nagbabago ang temperature depende sa gawain. Kung bagong eher­sisyo, puwedeng tumaas ang temperature. Kapag mainit­ ang panahon at lalo na sa hapon, mas mataas din ang temperature. Ang tunay na may lagnat ay ang temperature na lampas 37.8 degrees Centigrade.

2. Kung walang thermometer, puwedeng gamitin ang balat sa likod ng ating kamay at ipatong sa noo o leeg ng pasyente. Mas sensitibo itong parte ng kamay (sa may kamao pababa sa mga daliri) kumpara sa palad.

3. Uminom ng 8-12 basong tubig o likido sa isang araw. Pinakamaganda ang tubig lang, ngunit puwede ring umi­nom ng fruit juice. Ang pag-inom ng tubig ay nakapagpapababa ng lagnat dahil inilalabas nito ang init ng katawan sa pamamagitan ng pag-ihi.

4. Punasan ng basang tuwalya ang katawan. Ang pag­pupunas sa maiinit na parte ng katawan tulad ng singit, kilikili at leeg ay nakapagpapaginhawa sa maysakit. Huwag basain ang buong katawan, kundi ilang parte lamang. Kapag napunasan na ang katawan ay huwag na itong tuyuin. Hayaang kusang mag-evaporate ang tubig para sumingaw ang init sa katawan.

5. Huwag magbalot ng kumot o jacket. Kahit giniginaw dahil sa pagtaas ng lagnat, huwag magbalot ng kumot dahil lalo lang tataas ang lagnat. Magsuot lang ng komportableng damit.

6. Dapat ay hindi mainit o kulob ang iyong kuwarto. Kung may aircon o electric fan ay buksan ito. Ang preskong hangin ay makatutulong sa pagdaloy ng oxygen.

7. Kumain ng sapat at masustansya. Huwag maniwala sa kasabihan na dapat ay hindi ka kakain kapag may lagnat. Kailangan ng katawan ang lakas para labanan ang sakit. Ang lugaw, prutas at gulay ay mabuti sa katawan.

8. Matulog at magpahinga. Ito talaga ang nagpapalakas sa katawan.

9. Puwedeng uminom ng Paracetamol tablet o syrup tuwing 4 na oras kapag mataas ang lagnat sa 38.5 degrees Centigrade. Kumunsulta sa doktor kung lampas sa 39 degrees ang lagnat, masama ang pakiramdam o higit sa tatlong araw ang lagnat.

LAGNAT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with