^

PSN Opinyon

Oplan ‘Huli-Day’ ng Cordillera police, 65 wanted persons huli!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Likas naman sa ating mga Pinoy na dadalawin ang ating mga minamahal sa buhay, tulad ng pamilya o kamag-anak, tuwing Christmas holidays. Kadalasan kasi, sa ganitong panahon itinataon ang mga okasyon tulad ng kasal, binyag at birthday para magkita-kita ang mga magkamag-anak. Siyempre, maging ang mga kriminal na wanted sa batas ay hindi pinalalampas ang okasyon para makita ang kani-kanilang mahal sa buhay.

Alam ni Brig. Gen. Ronald Lee, director ng Cordillera police, ang matandang kaugalian na ito ng mga Pinoy kaya inutusan niya ang kanyang mga operating units na bantayan ang mga bahay ng mga wanted at presto, 65 katao na may outstanding warrants, 18 dito ay nasa listahan ng most wanted persons, ang nadale. Dipugaaaaa! Hihihi! Walang kahirap-hirap ang tropa ni Lee sa pagbitag ng mga wanted, no mga kosa?

Itinatag ni Lee ang Oplan “Huli-Day” para bantayan ng mga pulis ang mga bahay ng mga wanted persons dahil karamihan sa kanila tiyak dadalawin ang kanilang mga mahal sa buhay. Ayon kay Col. Sibley Dawiguey, hepe ng Regional Operations and Management Division (ROMD) ng Cordillera police, mula Disyembre 19, hanggang Enero 7, 2022 nadakip nila ang 65 wanted persons na lumutang sa kanilang bahay.

“Ang general assessment namin, kapag holiday season or kapag may mga family occassions tulad ng kasal, binyag, at birthday diyan talaga umuuwi ang ibang wanted, especially ‘yung may lumang kaso na,” ani Capt. Marnie Abellanida, public information officer ng Cordillera police. “Ang akala nila kasi busy ang mga pulis sa ibang bagay or minsan akala nila nalimutan na ng mga pulis ang kaso nila,” ang dagdag pa ni Abellanida. Mismooooo! Hihihi! Mali ang akala ng mga wanted persons sa ­Cordillera, ano mga kosa? Dipugaaaaa!

Ayon kay Abellanida, ang 18 most wanted persons ay may mga kasong violation ng Comprehensive ­Dangerous Drugs Act o R.A. 9165, estafa, large-scale estafa, illegal recruitment, acts of laschiviousness, swindling, frustrated murder, anti-violence against women, homicide, murder, at grave threats. Umabot din sa 48 loose firearms ang isinuko sa Cordillera police sa kahabaan ng Oplan “Huli-Day” campaign, ani Lee. Inaresto rin ang 15 drug personalities, at nakumpiska sa kanila ang 146.54 grams ng shabu, 4,086 fully grown marijuana plants, 40,025 grams of marijuana leaves at stalks na nagkakahalaga ng P6 milyon.

Nagresponde din ang Cordillera police sa mga tawag ng netizens at inaresto ang 21 katao sa iba’t- ibang kaso at nabawi ang dalawang baril. Natuwa naman si Lee at puspusang nagtrabaho ang kanyang mga tauhan habang tumataas ang kaso ng COVID sa bansa. Dipugaaaaa! Hihihi! Wala bang reward ang mga tauhan mo, Gen. Lee Sir? Abangan!

RONALD LEE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with