^

PSN Opinyon

Walang draw court ang PCSO sa Cagayan! — Atty. Patiag

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Walang draw court ang Philippine Charity Sweepstakes Office sa Cagayan, ito ang paglilinaw ni Atty. Lauro Patiag, ang Assistant General Manager Branch Operations Sector ng PCSO. Iginiit pa ni Atty. Patiag na kung may palaro man sa Cagayan, hindi na ito saklaw ng kanilang ahensiya.

Hayan mga kosa, malinaw pa sa sikat ng araw sa tinuran ni Atty. Patiag na walang Small Town Lottery (STL) sa Caga­yan at ang gumaganang palaro dun sa ngayon ay jueteng. Walang batas ang gobyerno na magpapairal ng jueteng sa bansa subalit mukhang bulag, pipi at bingi sina Cagayan Gov. Manuel Mamba at Philippine National Police (PNP) chief Gen. Dionardo Carlos sa palaro sa probinsiya. Dipugaaaaa!

Mula 2019 pa ay pinahihinto na ni PCSO General Ma­nager Royina Garma ang STL sa Cagayan dahil sa hindi pagbayad ng pagkakautang na umabot sa mahigit P1 bilyon subalit mukhang walang kakayahan ang gobyerno ni Presi­dent Digong na ipasara ito.

Talo na nga ang PCSO sa STL, lalong talo sa jueteng dahil ni singkong duling ay walang binabayad ang nasa likod ng palaro na illegal numbers game sa anong sangay man ng gobyerno. Dipugaaaaa! Ang management lang ng jueteng ang paldo ang bulsa rito di ba mga kosa?

Ipinapaliwanag ni Atty. Patiag na dito sa draw court na inisyu ng PCSO binobola ang winning combinations ng STL. Kung may palaro man sa Cagayan, hindi alam ni Atty. Patiag kung saan nila kinukuha ang winning combinations ng jueteng nila. Sinabi ng mga kosa ko na dahil walang draw court sa Cagayan, ang winning combinations ng jueteng ay kinukuha sa draw ng STL ng PCSO sa umaga, tanghali at gabi.

 

Hayan, may tatlong bola rin ang jueteng sa Cagayan, na ang mga nasa likod ay mga retiradong heneral na graduate ng Philippine Military Academy (PMA), anang mga kosa ko. Ano na ang nagyari sa motto ng PMA na Courage, Integrity, Loyalty?

Halos mahigit na 30 taon na pinapraktis ito ng mga graduate sa PMA na aktibo sa PNP at Armed Forces of the Philippines (AFP), di ba mga kosa? Subalit kapag nagretire na ba ang mga PMAers, nakakalimutan na nila ang motto nila? Susmaryosep! Araguuyyyyy talaga! Hihihi! Kawawang PMA!

Kung sabagay inamin ni Atty. Patiag na hindi lang naman ang Charity Games of Chance Corporation (CGCC) sa Cagayan ang hindi nakapagbayad ng kanilang General Monthly Retail Receipt (GMRR) kundi may mga sampu pang kompanya. Kaya lang itong CGCC ang umabot sa bilyones ang pagkakautang.

Sa totoo lang, wala namang ibang dapat sisihin itong CGCC sa Cagayan dahil sila mismo ang nag-submit ng GMRR o tantiyadong i-turnover nilang share ng PCSO sa kanilang monthly na kubransa. Kung hindi nila naabot ang kubransa na inaasam-asam nila, at sa tingin nila nalulugi sila, walang magandang dahilan na ayaw nilang magbayad ng pagkakautang. Mismooooo!

Di ba ganyan naman kahit anong negosyo may pag-asang kumita ay may pagkataon ding malugi, di ba President Digong Sir? Ano ang gusto nitong CGCC sa Cagayan, panay panalo lang? Pambihira! Dipugaaaaa! Abangan!

LAURO PATIAG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with