^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Election gun ban

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Election gun ban

Kahapon nagsimula ang election gun ban na tatagal ng limang buwan (Enero 9 hanggang Hunyo 8, 2022). Sa loob ng panahong ‘yan puspusang ipatutupad ng Philippine National Police (PNP) ang paglalagay ng checkpoints para marekisa ang mga motoristang may dalang baril o di kaya’y mga pampasabog. Bukod sa pagrekisa sa mga baril, layunin din sa paglalagay ng checkpoints na masawata ang mga kriminal, hired killer at iba pang mga grupo na may masamang tangka sa seguridad ng bansa. Ang mga mahuhulihan ng baril ay makukulong ng anim na taon.

Ayon sa PNP, sa panahon ng gun ban, suspendido ang mga pribilehiyong ibinibigay ng PTCFOR. Suspendido rin ang mga permit na kanilang inilalabas para magdala ng armas, bala, explosives, public firearms display, exhibits at employment ng security personnel para sa mga “VIP’’. Tanging mga unipormadong pulis at sundalo ang papayagang magdala ng baril sa buong election period.

Maraming loose firearms ngayon at sana maging matagumpay ang election gun ban para masawata ang mga kriminal o mga hired killer. Lumulutang ang mga upahang mamamatay-tao ngayong panahong ito para burahin ang kalaban sa pulitika. Kapag na­ging matagumpay ang PNP sa pagsamsam sa loose firearms, maaaring maging mapayapa ang campaign period na magsisimula na sa susunod na buwan.

Nararapat ding buwagin ng PNP ang private armed groups (PAGs). Ang pananatili ng PAGs ang dahilan kaya walang tigil ang kaguluhan sa bansa, particular na sa Mindanao at sa Hilagang Luzon. Sa Mindanao ay may tinatayang 12 PAGs na nag-ooperate.

Ayon naman sa National Task Force for the Disbandment of Private Armed Groups (NTF-DPAGs), walong private armed groups na nag-ooperate sa Maguindanao at General Santos City ang kanilang nabuwag noong nakaraang taon. Ang mga nabuwag na private armed groups ay ang Datu Tha Sinsuat, Ibay, Pananggalan, Dingalen, Matalam, Abo at Mamasabulod sa Maguindanao at ang Mudia Group sa General Santos City.

Gawin ng PNP ang lahat nang paraan para matiyak ang katiwasayan sa idaraos na election sa Mayo. Mangyayari ito kung walang loose firearms.

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->