^

PSN Opinyon

Mga masustansiyang pagkain na dapat kainin

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Base sa maraming pag-aaral at pagsusuri ng mga dalub­hasa, narito ang listahan ng mga pagkain na dapat nating­ kainin sapagkat makatutulong sa ating katawan at kalu­sugan:

1. Gulay at prutas – Masustansya ang lahat ng gulay tulad ng pechay, kangkong, ampalaya, malunggay at marami pang iba. Mabuti ito sa tiyan, bituka at sa buong katawan. May taglay itong fiber, bitamina at minerals­. Ma­sustansya din ang mga prutas tulad ng saging, man­sanas, pakwan at iba pa. Huwag lang dadamihan ang pagkain ng prutas dahil may asukal din ito na puwedeng makataba kung sosobra ang kakainin.

2. Mani, beans at tokwa – May taglay na protina (vege­table protein) ang mani at beans. Napakaganda nito sa katawan. Ang protina mula sa mani at beans ay mas masustansya kumpara sa protina mula sa baboy at baka. Kung hindi naman napatunayan na mataas ang uric acid ninyo sa dugo ay puwede kayong kumain ng mani at beans. Mas maraming benepisyo ito para sa inyo.

3. Isda – Kahit noong panahon ay isda na ang kina­kain ng tao. Sa Bibliya, nagbigay si Hesus ng tinapay at isda sa libu-libong nakinig ng kanyang sermon. May taglay na omega-3 fatty acids ang isda na makatutulong sa iyong puso at utak. Ang mga taong umaabot sa edad 100 ay mahilig kumain ng isda, mani, beans at gulay. Mas masustanysa rin ang protina ng isda kumpara sa baboy at baka.

Narito ang mga pagkaing puwedeng kainin ng katam­taman lamang:

1. Kanin, tinapay, pansit at spaghetti – Puwedeng kumain nito pero huwag lang daramihan.

2. Manok  – Mas masustansya ang nilagang manok kumpara sa nilagang baboy o baka. May benepisyo pa ang manok sa may sakit ng trangkaso, sipon at lagnat.

Narito ang mga pagkaing dapat iwasan o limitahan:

1. Baka at baboy (kasama ang lechon, crispy pata, bulalo at pata tim) – Napatunayan na nang maraming pagsusuri na masama ang taba ng baboy at baka. Puwede itong magdulot ng atake sa puso, istrok at kanser sa bituka.

2. Processed meat tulad ng hotdog, bacon, ham at salami – Bukod sa lamang baboy at baka, hindi maganda ang mga preservatives na ginagamit sa mga pagkaing ito.

3. Lamanloob – Mataas sa kolesterol at posibleng hindi malinis ang mga pagkaing ito. Ang bituka ng hayop ay daanan ng dumi kaya nararapat sanang iwasan.

KALUSUGAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with