^

PSN Opinyon

Sa gitna ng fake news, makaboboto pa ba nang tama?

Jing Castañeda - Philstar.com
Sa gitna ng fake news, makaboboto pa ba nang tama?
Peace laureates Maria Ressa and Dmitry Muratov at the Nobel Peace Prize awarding ceremony in Norway on Dec. 10, 2021.
Nobel Prize Outreach/Jo Straube

Ang pagkapanalo ng Nobel Peace Prize  ng Filipino journalist na si Maria Ressa, kasama si Dmitry Muratov ng Russia kamakailan, ay lubhang napapanahon sa gitna ng pakikipaglaban ng Pilipinas para sa kalayaan sa pamamahayag. Ang nasabing parangal ay isang malakas na boses ng suporta para sa katotohanan sa pagbabalita.

Habang ang nasabing global prize ay isang hakbang sa tamang direksiyon, nagpapatuloy ang laban sa mga tahanan at sa online social spaces kung saan ang fake news ay madaling inilalako bilang katotohanan. Dito rin makikita ang tinatawag na external societal pressures na maaaring makapigil sa mga mamamayan, lalo na sa mga kabataang digital-savvy, para makaboto nang tama.

Dahil limang buwan na lang at 2022 elections na, muli kong binalikan ang ating our Tita Jing It’s Monday episode kung saan tinalakay natin ang pagkalat ng fake news, kasama ang analyst at researcher ng Department of Political Science ng University of the Philippines na si Dr. Aries Arugay, National Citizens Movement for Free Elections (NAMFREL) member at professor na si Albert Oasan, NowYouVote2022 program head na si Josh Mahinay at Dexter Yang, ang nagtatag ng GoodGovPH.

Kaya, ang mainit na tanong ay: Paano natin matuturuan ang mga batang henerasyon na bumoto nang matalino sa gitna ng fake news at iba pang external pressures na bumabalot sa kanilang mga personal na espasyo?

Paano matutukoy ang fake news

Para sa ating lahat, ang napakalaking problema noon pa mang 2016 national and 2019 midterm elections ay muling lumutang ngayon: ang pagkalat ng fake news at mga troll. Nakikita nating kaliwa’t kanan ang grabeng disinformation campaign, gaya ng isang a presidential bet na humihingi umano ng P1 billion para maging running mate ni Vice President Leni Robredo at ang pag-atras umano sa 2022 elections nina Sen. Panfilo Lacson at Senate President Vicente “Tito” Sotto III.

Unang payo ni Yang ang maging mapanuri. “Kapag may nakita kang news na mukha siyang legit, i-Google mo muna kung totoo ba ito, kung mayroon bang three to five na (legitimate) news articles or news sources na nag-ve-verify doon.”

“Sa campaign namin sa kabataan, mahalaga na lagi naming sinisingit yung parang pag-uusap tungkol sa how to discern, how to spot, and what to do with it. Maraming mga sessions na ginaganap doon,” wika ni Mahinay.

Photo by Mika Baumeister on Unsplash

Nakita ko rin kung paano sinasadyang kopyahin ng ilang mga grupo ang mga logo ng lehitimong news organizations upang linlangin ang publiko na ito’y i-share. Bagama't marami ay parody account, mas marami pa rin ang tinatawag na fake news generators.

“Unfortunately, para sa FB (Facebook), if you consume fake news or if you go to fake news groups or FB pages, the more that FB will feed you with those sources of disinformation,” paalala ni Dr. Arugay. “So I think one tip is to identify these pages and to report them as fake news.”

Maaaring mahirap kumpirmahin kung ang balita ay peke o totoo, ngunit maaari itong gawin. Ibinahagi ni Dr. Arugay na ang prosesong ito ay mangangailangan ng kritikal na pag-iisip at paggamit ng mga lehitimong source. Sabi niya, "Ang layunin ay mapatunayan mo ito mula sa maraming independent sources. Pag nagawa mo iyon, that means, malamang hindi iyon fake news.”

Mga kabataan, seryosohin ang social science at iba pang mga programa

Para sa mga kabataan, binigyang-diin ni Dr. Arugay ang pangangailangang seryosohin ang social science at social studies – gaya ng kasaysayan, pulitika, at ekonomiya. “That will equip you (with) the tools to do fact checking, to be able to verify information. May value yung mga asignaturang ito. They have a role to play particularly in nation building.”

Nakatuon naman ang pansin ni Prof. Oasan sa isa pang bagay na dapat seryosohin ng mga kabataan:  Ang National Service Training Program (NSTP). Ang programa ay nakatuon sa mga kabataan na nasa edad ng first-time voters. “Take your NSTP seriously and make the elections a form of community service, an act of civic consciousness,” wika niya.

Mga magulang at guardians, igalang ang boto ng kabataan

Para sa mga magulang at guardians, iniwan ni Dr. Arugay ang mga sumusunod na paalala: “First, don’t patronize our young Filipinos. Hindi dapat ang treatment natin sa kanila ay mga batang hindi kaya mag-isip at mag-desisyon. We treat them as sovereign voters. Huwag natin silang tanungin sino yung iboboto nila kasi iyong information na iyon ay sagrado.”

Dagdag pa niya, “Let’s not decide for them. Let’s not impose iyong sources of information. Kung tama iyong pagpapalaki natin sa mga kabataan, then we must trust that they can make their own decisions and that voting itself is a learning process.”

Binanggit naman ni Yang kung paano makatutulong ang student groups sa mga kabataan. “Dito, madidispel yung part na kapag kabataan ka, susundin mo lang yung sinabi ng nanay o tatay mo. Kapag nakita nila na yung kabataan pala, pwede pala tayong bumoto on our own.”

Para naman sa advocate groups at volunteers, sinabi ni Oasan na, “Maganda rin natin na tingnan ang eleksyon sa local level, kasi nakatingin tayo sa taas, minsan, nakakalimutan natin ang local issues which are close to the heart of young people.”
 

***

Watch Pamilya Talk on Facebook, YouTube, and Kumu (@JingCastaneda – 5:30-7:00 p.m. Monday, Tuesday and Wednesday). You can also follow my social media accounts: InstagramFacebookYouTubeTwitter and Kumu.  Please share your stories or suggest topics at [email protected].

PRESS FREEDOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with