Merry Christmas mga kosa!
Ang base of operation pala ng bagong estilo ng jueteng, na mabilis kumalat sa Luzon at Metro Manila ay sa Dasmariñas, Cavite. Sinabi ng mga kosa ko na hanggang sa ngayon hindi pa naaamoy ng mga ahente ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) itong jueteng na pinapatakbo ni alyas Don ng MegaStar Online Gaming Corporation.
Siyempre, sa buong Cavite ay patok na ang jueteng ni Don at mabilis itong kumalat sa Metro Manila at maging sa probinsiya ng Rizal. Kaya sorry na lang ang PNP at NBI dahil malaki ang nawala sa lingguhang “payola” nila. Kasi nga, nakatago itong jueteng ni Don kaya libre siya sa makukulit na tong kolektor ng PNP at NBI. Hihihi! Hanggang kailan kaya madudugas ni Don ang PNP at NBI? Dipugaaaaa!
Kaya naman hindi maamoy ng PNP at NBI ang jueteng ni Don ay dahil gumagamit ito ng gadget para kumuha ng taya sa kalye. Sa makalumang jueteng kasi, ang kubrador ay mag-iikot sa kalye at kukumbinsihin ang mga Pinoy na tumaya. Pero sa jueteng ni Don, isang pindot lang sa link ng MegaStar at pasok na ang taya.
Sa taya na P10, abaaaa mananalo ito ng P450 kaya maraming sugarol ang naganyak na tumaya sa jueteng ni Don. Madali rin tamaan ang bagong estilo ng jueteng ni Don kasi 1-31 lang ito, di tulad ng lumang jueteng na 1-37 ito kaya ang tawag sa kalye ay 137. Subalit ang ibang jueteng lord ay ginawa itong 1-40 para dumami ang kumbinasyon at medyo mahirap tamaan. Get’s n’yo mga kosa? Hihihi!
Sobrang suwerte ni Don at busy pa ang PNP at NBI sa mga gawain patungkol sa nalalapit na election. Pasasaan ba’t mahahagip din itong bagong estilo ng jueteng niya.Mismooooo! Dipugaaaaa!
Humahangos na nagreport si kosang Al na ang jueteng ni Don ay tinatangkilik na sa ngayon sa buong Cavite. Ang malalaking kabo niya ay sina Elfa sa Molino 3, Rowena sa Meadow World, at Poteng sa Talaba. Kumpiskahin lang ng mga pulis at NBI ang celfone nitong tatlong bigating kabo ng Mega Star at malalaman na nila ang kabuuan ng operation ni Don. Tiyak walang makuhang pitsa sa mga kubrador at kabo dahil ang bayaran ay dinadaan sa GCash. Araguuyyyyy! Hihihi! Wala palang kikitain ang PNP at NBI kapag nasakote nila ang mga kubrador at kabo ni Don, di ba mga kosa?
Kanya-kanyang gimik lang talaga. Tumpak! Laganap na rin sa Rizal at Metro Manila ang pa-jueteng ni Don. Abangan!