Impeksyon sa ihi, kidney at prostate

Ang urinary tract infection (UTI) ay impeksyon sa kidneys, ureters, pantog (bladder) o urethra. Ang gamutan ay anti­biotics at baguhin ang lifestyle o kinagawian.

Gumamit ng mild soap o hindi matapang na sabon panlinis ng pwerta. Sa mga babae ay ang tamang pagpunas sa pag-ihi ay simula sa harap muna papuntang puwitan. Mali kung simula sa puwitan papuntang harapan.

Uminom nang maraming fluids para ma-flush out ang mga bacteria.

Magsuot ng mas maluwag na pantalon at cotton na underwear para mas mahangin. Habang naka-antibiotics ay mainam kumain ng yogurt.

Ang pyelonephritis naman ay impeksyon sa kidney mula sa bacteria. Ang pasyente ay nilalagnat, masakit ang balakang, madalas umihi, o merong dugo sa ihi.

Pag may bato sa bato (kidney stones), magbawas sa matinding ehersisyo tulad ng mahabang pagtakbo at hazing.

Sa urine test o urinalysis, sinasahod ang midtsream o gitnang labas ng ihi na may dami na mga 10 ml at ibi­bigay sa laboratoryo.

Problema sa pag-ihi:

Kapag nahihirapang umihi, maaaring may kaba o de­pende sa lokasyon kung saan umiihi. Sa lalaki, puwedeng lumaki ang prostate gland at naiipit ang tubo sa pag-ihi, o may kanser sa prostate o prostatitis. Puwede rin may problema sa urethra dahil may impeksiyon, sugat o dumaan na bato.

Kapag madalas umiihi (polyuria) ay maaaring dahil uminom ng kape, tsaa, alak, buntis, natatakot, o may impeksyon sa pantog.

Ang may diabetes ay madalas maihi, may rashes at yeast infection, at minsan ay may bladder prolapse o buwa (pelvic organ prolapse). Kung umiinom ng gamot na pampaihi ay madalas ding mapapaihi.

May pagkakataon ng konti ang ihi (oliguria) pag may glomerulonephritis, kidney failure o dehydration kung nagtatae.

Dagdag kaalaman:

Ang glomerulonephritis ay pagkasira ng pansala (Glomeruli) ng kidneys. Maaring bigla o acute glomerulonephritis, o matagal na o chronic glomerulonephritis.

Ang prostatitis ay impeksyon sa prostate.

Show comments