Marami ang may bad breath. Karaniwang pinag-uusapan o pinagtitsismisan ang may bad breath. Kaya nararapat na malaman kung ano ang mga solusyon sa problemang ito. Narito ang mga dapat gawin:Karaniwang pinag-uusapan o pinagtitsismisan ang may bad breath. Kaya nararapat na malaman kung ano ang mga solusyon sa problemang ito. Narito ang mga dapat gawin:
1. Huwag kumain ng maraming bawang, sibuyas at sili. Nananatili ang amoy nito (mula sa essential oils) sa loob ng bibig ng 24 oras. Kahit anong sepilyo mo ay nandoon pa rin ang amoy. Subukang sumipsip ng calamansi para mabawasan ang amoy.
2. Huwag manigarilyo. Bumabaho ang hininga at parang amoy ng isang ashtray.
3. Umiwas sa spiced meats tulad ng pepperoni, salami at longganisa. Mayroon kasing maamoy na mantika na lalabas sa hininga sa loob ng 24 oras.
4. Umiwas sa mabaho o malansang isda. May mga isda tulad ng bagoong, alamang o bangus na matagal maalis ang amoy sa hininga. Pumili na lang ng ibang isda.
5. Tubig lang ang dapat inumin. Ang kape, beer, alak at whisky ay nasa listahan ng maamoy na inumin. Nag-iiwan ang mga ito ng residue o latak sa bibig at sikmura.
6. Magmumog nang madalas. Kung walang pagkakataong magsepilyo, magmumog nang maraming beses pagkatapos kumain. Mababawasan din ang dumi sa iyong bibig.
7. Magbaon ng sepilyo. Pagkatapos kumain, magbrush ng ngipin para matanggal agad ang amoy. Magsepilyo ng tatlong beses sa maghapon o bawat pagkakain.
8. Gumamit ng tongue cleaner. Ito’y isang plastic na panlinis ng dila. Maraming bacteria at dumi ang maaalis sa paggamit ng tongue cleaner. Mas epektibo ang tongue cleaner kaysa sa pag-brush ng dila gamit ang sepilyo.
9. Gumamit ng dental floss. Maraming tinga (plaque) ang sumisingit sa ating ngipin. Kapag hindi ito naalis ay mangangamoy bulok ito. Mag-floss kahit isang beses sa gabi.
10. Gumamit ng mouthwash. Kung may bad breath, may tulong din ang paggamit ng mouthwash. Maganda itong gamitin bago matulog.
11. Magpatingin sa dentista. Ang bad breath ay kadalasan nanggagaling sa nakatagong impeksyon sa bibig at gilagid. Minsan may sira pala ang iyong ngipin.
12. Kapag hindi pa rin mawala ang bad breath, kumunsulta sa isang doktor na espesyalista sa tiyan (gastroenterologist) o Ear Nose Throat (ENT doctor). Minsan nanggagaling ang bad breath sa loob ng ating lalamunan o tiyan.
13. Kung ika’y nagmamadali, puwede rin naman ang mga chewing gum na mint flavor. Ngunit panandalian lang ito at tinatakpan lang ang amoy.