^

PSN Opinyon

Ara Mina at Dave Almarinez: Kasal, Kasalo, Kasali ang Negosyo

KasamBuhay - Jing Castañeda - Philstar.com
Ara Mina at Dave Almarinez: Kasal, Kasalo, Kasali ang Negosyo

Madalas itinuturing ang isang mentor bilang boss, kasamahan, o propesor na gumagabay at nagtuturo sa iyo. Pero hindi lamang sa opisina o paaralan nahahanap ang isang mentor.

Natagpuan ng bagong kasal na sina Ara Mina at Dave Almarinez ang kanilang mga mentor sa kanilang sariling tahanan: sa isa’t isa. Sa aming episode ng Pamilya Talk with Tita Jing, ibinahagi ng dalawa kung paano nagdudulot ng mas masaya at matibay na pagsasama ang pagkakaroon ng mentor na iyo ring asawa.

Bago pa man sila nagkakilala, mayroon nang matagumpay na mga career sina Ara at Dave.

Isang sikat at premyadong artista si Ara. Ngayon, negosyante na rin siya! Abala siya sa pagpapatakbo ng iba’t ibang mga negosyo tulad ng Hazelberry Café, ang Secret skincare line, Ara Colors makeup brand, at marami pang iba.

Bukod sa pagiging matagumpay ding negosyante, si Dave naman ay naglilingkod bilang provincial board member ng Laguna, at bilang pangulo at CEO ng Philippine International Trading Corp. (PITC), isang attached agency ng Department of Trade and Industry (DTI).

 

Naniniwala si Dave na ang pagkakaroon nila ni Ara ng magkaibang larangan o background na pinanggalingan ang isa sa mga sikreto sa maganda nilang samahan.

“Nagbibigay ako ng advice from my experience sa ginagawa niya, and she gives iyong thoughts niya, especially sa industry niya, na makakatulong to promote,” pagbabahagi ni Dave. “Na-cocombine na ninyo iyon—respecting each other’s comments and thoughts, and naisasama niyo sa ginagawa ninyo.”

Para naman kay Ara, mahalagang i-respeto ang hilig at career ng isa’t isa.

“Kahit na nagpakasal na po kami, he still allows me na mag-work, mag-artista pa rin. Dahil he knows na this is my passion, at ito rin po iyong ikinabubuhay ko,” pag-amin ni Ara. “Sabi ko, ayaw ko na siya lang iyong nagtatrabaho, kasi partner na kami. Kailangan tulungan ko rin siya. Kailangan team din kami dito sa bahay, sa mga gastusin.”

Naniniwala si Dave na ang pagsuporta sa career ni Ara ang isang paraan para maipakita ang kanyang pagmamahal sa misis na noon pa man ay independent at determinado na.

“‘Pag minahal mo yung isang tao, nakilala mo, dapat walang kondisyon. Kung ano yung passion niya, suportahan mo siya. She’ll do the same for her partner din di ba?”

“Makikita ninyo, more success is really nasa husband AND wife, or a partnership. Kaya wag matatakot yung mag-asawa. Iyong lalake, kung nandiyan ang iyong partner, hayaan natin na magtulungan kayo. Kasi kung may partnership, and magkaroon ng magandang combination yun, mas lalaki kayo together. Two heads are better than one.”

Posible nga bang makamit nina mister at misis ang kanilang tagumpay bilang mag-asawa habang sila ay may maganda ring mga career bilang mga indibidwal? Paano kaya maiiwasang ma-insecure ang isa’t isa? Narito ang ilang tips mula kina Ara at Dave:

 

 

1. Alamin ang iyong hilig

Nang hingian ng payo para sa mga homemaker o mga nanay, binigyang-diin ni Ara ang kahalagahan ng pagsisikap at paghahanap sa iyong hilig.

“Alamin ninyo po kung ano yung passion ninyo. Pwede po kayo magstart ng business online. Dahil mahirap po magtayo ng isang negosyo nang basta-basta dahil sa puhunan, rental ninyo po, yung ipapagawa ninyo. Sa online, minimal lang po ang magagastos ninyo. Pwede kayo mag-explore, lalo na ngayong ECQ, na madiscover na may talent pala kayo sa ganoong bagay.”

Naniniwala si Ara na kung mahal mo ang ginagawa mo, mas mapapatakbo mo nang tama ang iyong oras. “I-business mo kung ano yung tingin mong gusto mong gawin, hindi dahil lang gusto mong kumita agad ng pera. Bonus na iyon, na kumita. Pero mas tatagal ang business kapag mahal mo yung gagawin mong business, kung may passion ka,” pagbabahagi ni Ara.

2. Labanan ang takot

Naniniwala si Dave na kapag nalampasan ang mga takot, maaari itong mauwi sa mas maraming tagumpay.

“Huwag matakot. Lakasan lang ang loob, just be honest with what you do and be consistent. Kaya nga, I think marami namang successful stories ang mga tao na rags-to-riches na makakapagpatunay na nothing’s impossible in life,” wika ni Dave.

“Be more entrepreneurial. Kung may trabaho tayo, don’t stop there. Because, having an entrepreneurial mind supplements what you do currently to actually have a better life.” Dagdag pa ni Ara, “Maging productive tayo. Maging creative. Huwag pangunahan ang fear dahil sa nangyayari sa ating lipunan, dahil sa virus. Kailangan malakas ang loob.”

3. Maging consistent

Para kay Dave, walang sikretong formula para sa tagumpay sa buhay o sa negosyo kundi ang pagiging consistent.

Tinalakay niya ang isang ideya na isinulat niya sa isang libro, ang Blind Spot. “The reason why it’s called the blind spot is because, sometimes, or more often than not, tumitingin tayo sa malayo pero ang secret nasa harap natin, hindi lang natin sinusunod. Wala naman talagang secret formula. Kung ano ang sinasabi sa’tin, yun na yon eh. Let’s just be consistent with what we do. That’s it. Kasi a lot of people are very consistent with their inconsistencies, sa una lang, then titigil. Be consistent. Be consistent, so you can achieve what you want in life.”

 

--

Watch Pamilya Talk on Facebook, YouTube, and Kumu (@JingCastaneda – 5:30-7:00pm Monday, Tuesday & Wednesday). You can also follow my social media accounts: Instagram, Facebook, YouTube, Twitter, and Kumu. Please share your stories or suggest topics at [email protected].

ARA MINA

PAMILYA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with