^

PSN Opinyon

18 pagkain na pampapayat at 7 nakatataba

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Narito ang 18 pagkain na pampapayat. Ito ang mga dapat kainin ng mga taong nag-didiyeta dahil bukod sa mababa ito sa calories, masustansya pa ang mga ito:

1. Gulay at ensalada – mataas sa fiber ang gulay at nakabubusog.

2. Suha at grapefruit – may taglay na acid na nakababagal ng digestion.

3. Mansanas – may pectin na nakabababa ng kolesterol.

4. Peras – mas mayaman pa sa fiber kumpara sa man­sanas.

5. Itlog – magandang almusal at nakabubusog.

6. Saging – masustansya at may tulong sa mga may ulcer at nag-e-ehersisyo.

7. Beans – mayaman sa protina at bitamina.

8. Suka – ang pag-inom ng isang basong tubig na may 2 kutsaritang suka bago kumain ay nakapapayat. Mag-ingat lang kung hyper-acidic.

9. Tofu at tokwa – mabuti ito sa ating puso at buto.

10. Green tea – nakababawas ng taba sa atay (fatty liver).

11. Brown rice at wheat bread – makaiiwas tayo sa diabetes, ayon sa Harvard School of Public Health.

12. High-fiber cereals – mas healthy sa katawan at naka­papayat din.

13. Matatabang isda – tulad ng tilapia, sardinas, mackerel at salmon.

14. Low-fat milk at yogurt – mas mababa sa taba kumpara sa regular na gatas.

15. Oatmeal – nakabababa ng kolesterol sa katawan.

16. Manok at turkey na walang balat – pinakamababa ito sa taba, kumpara sa karne.

17. Laman ng karne paminsan-minsan – tanggalin ang lahat ng taba sa karneng baboy at baka bago lutuin.

18. Tubig – ang pag-inom ng tubig bago kumain ay nakabubusog. Ang tubig ay walang calories at hindi nakatataba.

Heto naman ang listahan ng 7 pagkaing nakatataba na dapat limitahan. Ang mga pagkaing ito ay nailathala na ng maraming organisasyon (tulad ng American Heart Association at American Dietetic Association), nutritionists, doktor, researchers at siyentipiko na nakatataba.

1. Pritong pagkain (fried foods) – mataas ito sa taba at mantika.

2. Donuts at pastries – mataas sa calories at asukal.

3. Candy, chocolate at mga matatamis – mataas ito sa asukal at calories.

4. Matatamis na juices at soft drinks -- mataas ito sa asukal. Uminom na lang ng tubig na walang calories. Puwede rin ang mainit na tsaa.

5. Potato chips – dahil sa sangkap na asin at mantika.

6. Bacon, hot dogs at sausage – dahil may halo itong taba at preservatives.

7. Hamburgers – mataas sa taba.

Dagdag payo para pumayat: Subukang kumain ng 5 o 6 beses sa isang araw pero pakonti-konti lamang. Ang isang mansanas o saging ay puwedeng meryenda na. Kasama ang regular na pag-e-ehersisyo, piliin natin ang mga nasabing healthy foods na nakapapayat pa. Good luck!

DIET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with