^

PSN Opinyon

Sore throat

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Ang makating pakiramdam sa iyong lalamunan ay isang pamilyar na palatandaan na ikaw ay magkakaroon ng sipon o trangkaso (influenza). Karamihan sa sore throat ay hindi naman nakapipinsala at kusa ring nawawala sa loob ng lima hanggang pitong araw. Ma­aaring bumili ng mga over-the-counter na gamot sa ubo para ito ay gumaling.

Karamihan sa sore throat ay dahil sa virus o bacteria na impeksyon. Ang mga virus at bacteria ay maaaring pumasok sa iyong bibig o ilong sa pamamagitan ng paglanghap ng particles mula sa pag-ubo o pagbahing ng ibang tao. Puwede rin na ikaw ay gumamit ng kutsara, tinidor, towel, laruan, doorknob, computer keyboard at telepono na gamit ng maysakit.

Ang sore throat ay maaaring sanhi ng allergy at dry air. Kapag ang sore throat ay mayroong kasamang pama­maga ng tonsil, ito ay tinatawag na tonsillitis.

Viral infection:

Ang viruses ay kadalasan na pinanggagalingan ng sipon, trangkaso at sore throat. Ang sipon ay kara­niwan na nawawala kapag ang iyong sistema ay naka­buo na ng antibodies laban sa virus na tumatagal ng 1 linggo.

Ang antibiotic ay hindi nakatutulong para gumaling ang viral infection. Ginagamit lang ang antibiotics sa bacterial infection, kung may lagnat, nana sa tonsils at maberdeng plema.

Kinakailangan lang ng panahon para tuluyang gumaling. Uminom nang maraming tubig, kumain ng prutas na mayaman sa vitamin C at magpahinga.

vuukle comment

VIRAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with