DAPAT paimbestigahan ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Dionardo Carlos ang pamimitsa ng isang police unit sa Metro Manila na ang paboritong target ay ang mga tinatawag na ispakol o spa. Maraming complaint na sa tropa na ito at kadalasan mga ispakol na pagmamay-ari ng Intsik ang sinasalakay dahil alam nila na takot itong magreklamo. Paldo ang kinita ng tropa na pinamumunuan ng isang alyas Pascual, lalo na noong kasagsagan ng kaso ng COVID-19 dahil isinasangkalan nila ang paglabag ng ispakol sa alituntunin ng Inter-Agency Task Force (IATF). Ayon kay kosang Al, milyones ang kinita ng tropa ni Pascual, at ewan ko lang kung alam ito ng amo niya. Ang ganitong uri ng raket ng mga pulis ay tiyak hihila pababa sa imahe ng PNP. Parang hindi takot si Pascual kay Carlos? Ano sa tingin n’yo mga kosa? Dipugaaaaa!
Noong nakaraang Martes, umi-strike ang tropa ni Pascual sa Kamuning sa Scout ...ano na ‘yun? Dalawampu’t dalawang babae ang nahatak ng tropa ni Pascual na inakusahan ang may-ari na may nagyayaring “extra service” sa loob ng ispakol kahit wala silang naaktuhang magpartner na nagsi-sex. Siyempre sa takot, nag-offer ang may-ari ng P100,000 subalit ‘‘no dice’’ sabi ni Pascual at ang hirit ay P500,000. Lumampas na sa reglamentary period na 36 hours na naka-custody ang mga babae sa police headquarters sa southern Metro Manila subalit hindi sila kinasuhan ni Pascual. Siyempre, naghihintay ng grasya! At noong Huwebes nga, inabot ng may-ari ang kalahating milyon na cash sa mismong opis ni Pascual na nanakot pang hindi titigilan ang ispakol niya kapag nag-leak ang raket n’ya. Hihihi! Ginawang palabigasan ni Pascual ang mga ispakol ng mga Intsik, ‘no Gen. Carlos Sir! Mismooooo! Dipugaaaaa!
Subalit sa panahon ng hi-tech gadgets sa ngayon, wala nang maitatago si Pascual sa madlang people. Kaya dapat utusan ni Carlos si Maj. Gen. Albert Ignatius Ferro ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na habulin si Pascual para mahinto na ang raket niya dahil ang kanyang liderato ang napapahiya. Araguuyyyyy! Kung ang mga CPP/NPA/NDF nga ay hindi inurungan ni Ferro, si Pascual pa kaya? Hak hak hak! Lagot ka Pascual at hindi ka tatantanan ni Ferro at sa kasamaang palad baka pati amo mo ay mamalasin pa, di ba retired PNP chief Debold Sinas Sir? Mismooooo! Dipugaaaaa! Abangan!