^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Mga mamamahayag sa Pinas, hindi ligtas

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Mga mamamahayag sa Pinas, hindi ligtas

ISANG araw, makaraang ilabas ng Global Impunity­ Index of the Committee to Protect Journalists (CPJ) ang kanilang report na ang Pilipinas ay mapanganib sa mga mamamahayag, binaril at napatay ang Davao reporter na si Orlando Dinoy sa kanyang bahay sa Bansalan, Davao del Sur noong Sabado ng hapon.

Ayon sa report, nasa loob ng kanyang bahay si Dinoy nang biglang pumasok ang mga suspect at binaril siya ng anim na beses. Tumakas ang mga suspect na nakasakay sa motorsiklo. Ipinag-utos na ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar ang pagtugis sa mga salarin. Si Dinoy ang ika-21 mamamahayag na pinatay sa ilalim ng Duterte administration.

Hindi na kataka-taka kung ang Pilipinas ay isa sa mga bansa na sinasabing pinaka-worst para sa mga mamamahayag. Pampito ang Pilipinas, batay sa index report na ginawa ng Committee to Protect Journalists (CPJ) mula Set. 1, 2011 hanggang Agosto 31, 2021.

Nangunguna sa mga pinaka-worst na bansa ang Somalia na sinundan ng Syria, Iraq, South Sudan, Afghanistan, Mexico, Pilipinas, Brazil, Pakistan, Bang­ladesh, Russia at India.

Noong nakaraang taon ay pampito rin ang Pili­pinas sa mga bansang mapanganib sa mga mama­mahayag kung saan 11 ang pinatay kabilang ang mamamahayag na si Jobert Bercasio na pinatay ng riding-in-tandem noong Set. 14, 2020. Si Bercasio ay may programa sa Balangibog Internet TV sa Sorsogon City.

Ngayong 2021, apat na mamamahayag na ang pinatay na ang pinaka-latest nga ay si Dinoy. Noong nakaraang Hulyo 22, 2021, pinatay ang radio commentator na si Renante Cortez ng Cebu. Si Cortez ay komentarista sa DYRB-Cebu. Binaril siya sa mismong harapan ng radio station makaraan ang kanyang programa.

Ang pinaka-karumal-dumal na pagpatay sa mga mamamahayag sa bansa ay naganap noong Nob­yembre 23, 2009 sa Maguindano kung saan, 52 ang pinatay. Nahatulan na ang pamilya Ampatuan sa karumal-dumal na kaso subalit marami pa rin ang humihingi ng hustisya. Ang krimen ay may kinalaman sa election.

Maraming Presidente na ng bansa ang nangakong puprotektahan ang mamamahayag at pana­nagutin ang utak sa pagpatay subalit walang na­tupad. Pawang pangako. Patuloy ang pagpatay at walang proteksiyon na ipinagkakaloob sa mga mamama­hayag kaya ang kalahating katawan ay nasa hukay.

vuukle comment

COMMITTEE TO PROTECT JOURNALISTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with