^

PSN Opinyon

Political dynasties: May pag-asa pa bang mawala?

KasamBuhay - Jing Castañeda - Philstar.com
Political dynasties: May pag-asa pa bang mawala?
President-elect Rodrigo Roa Duterte takes his oath of office as the 16th president of the Republic of the Philippines with his children standing at his back as witnesses.
Presidential photographers Division/Released, File photo

Nakalulungkot mang isipin, nakaukit na sa ating kasaysayan ang mga “political dynasty.” Sa isang pinagsamang pag-aaral ng Asian Institute of Management at Ateneo de Manila University, nakasaad na ang political dynasty ay isang sitwasyon kung saan ang “members of the same family are occupying elected positions either in sequence for the same position, or simultaneously across different positions.” Sa madaling salita, may isang pamilya o angkan na ginagawang monopolyo ang pamumuno sa mga lugar. Trending topic ulit ito, ngayong paparating na naman ang eleksyon.

May political dynasties sa bansa bago pa man tayo sakupin ng mga banyaga, ayon sa De La Salle University-Manila History professor na si Jose Victor Torres na naging panauhin sa aming Pamilya Talk episode. Kapag daw pumalpak ang datu sa kanyang pamumuno sa barangay, may mga nakaabang na daw sa paligid para agawin ang trono.

Ganito nga rin daw noong dekada kuwarenta kung kalian itinaguyod ni Manuel Roxas ang Liberal Party pagkagaling ng Nacionalista Party ni Sergio Osmeña. Sa paglaki lalo ng pulitika, nagkaroon pa ito ng bagong anyo at personalidad. Unti-unting nang naging plataporma ng mga nagsilbing mga opisyal ang ipagpatuloy ang kanilang serbisyo sa gobyerno.

Sabi ni Torres, “Gusto nilang magserbisyo sa bayan, so on and so forth, so ang mangyayari ay wala nang katapusan yung serbisyo. Dito nagsisimula yung ideya na kailangan kong ituloy—ang mga sinasabi nating dynasties.”

Sa mga lumipas pang taon, mas dumami pa ang mga political family na animo’y nagtayo na ng kaharian sa iba’t-ibang bahagi ng bansa. Kaya mistulang wala silang kalaban pag sila’y kumakandidato.  Nariyan ang mga Ampatuan ng Maguindanao, ang mga Eusebio ng Pasig, at ang pinaka-kilala sa kanilang lahat, ang mga Marcos ng Ilocos.

Paano nga ba natin mapipigilan ang paglaganap ng political dynasties na ito? Sa darating na Mayo, nasa mahigit 63 milyong PIlipino ang magiging sagot.

Celebrity-politicians nga ba ang bagong alternatibo?

Sa aming episode, naglabas ng mga pahayag ang mga aktor na sina Dennis Padilla at Alex Castro tungkol sa isyu ng dinastiya. Kasalukuyang kumakandidato si Padilla sa pagka-konsehal sa second district ng Caloocan City, habang si Castro naman ay tumatakbong bise-gobernador ng Bulacan.

Saksi umano sina Padilla at Castro sa ganitong kultura sa kani-kanilang mga LGU. Pero ayon kay Padilla, hindi naman daw sure win ang mga galing sa political families kung pag-uusapan ang Caloocan. Gayunpaman, pansin pa ng ama ni Julia Barretto, mahilig pa rin daw gamitin ng mga Pinoy ang utang ng loob mentality pagdating sa pagpili ng kanilang mga iboboto.

“Kapag yung tatay, maraming development na ginawa at pinatakbo yung kanyang anak, makukuha ng anak yung boto kasi trusted siya ng mga tao,” sabi ni Padilla.

Laganap pa rin naman ang political dynasties pagdating sa Bulacan, ayon naman kay Castro. Ito raw ang naghikayat sa kanyang tumakbo.

Kuwento niya, “Sabi raw, kapag isang pamilya lang ang nagpapatakbo sa isang gobyerno, hindi gaano mataas ang improvement. Hindi ganun kabilis kasi nagiging kampante na parang okay lang. Kasi kahit ano, mananalo pa rin sila. Hindi nagkakaroon ng challenge para mag-improve pa nila kasi may dynasty na sa loob ng gobyerno.”

Ginusto man natin ang political dynasties o hindi, sa dami ng mga ito ay matatagalan pa ang kanilang tuluyang pagkawala. Kaya naman, dahil tayo’y nasa isang demokrasya, gamitin natin ang kapangyarihang bumoto nang tama.

Mukhang tugma ito sa resulta ng pag-aaral ng AIM at Ateneo na nagsasabing mas laganap ang political dynasties sa mga lugar kung saan mas mataas ang antas ng kahirapan.

Ayon pa sa pag-aaral, may kaugnayan ang media sa paglaki o pagtiklop ng mga dinastiyang ito.

Ang papel ng (social) media

May mahalagang papel ang media sa darating na halalan—lalong lalo na ang napakabilis at napakaagresibong social media. Mapa-Facebook, Twitter, Instagram, o TikTok pa man yan, patok ang iba’t-ibang social media platforms sa mga Pilipino pagdating sa pagsaliksik, pagsuporta, o pagpuna ng mga gustong maging government official.

Ayon pa kay political analyst Aries Arugay, “If social media can empower, for example, those that do not normally have access to politics…it can also empower the already powerful. Puwede nila gamitin yung social media to further broadcast or project yung kanilang image.”

Totoong magiging malaki ang kontribusyon ng social media sa pagboto ng mga kabataan. Pero kung napabayaan, maaari rin itong gamitin laban sa kanila, ayon kay Torres. “With one click, they can easily access information all over the world. That is a good thing. But when this is weaponized, dito ngayon nagkakaroon ng problema, unless we have vigilance. Magaling ito makaimpluwensiya.”

How dynasties evolve

Balikan nating muli ang political dynasties. Bakit tuloy-tuloy pa rin silang namamayagpag? Makikita ang problema, pati na ang kasagutan ditto, sa ating Saligang Batas.

Para kina Torres at Arugay, hindi raw nakatutulong ang political dynasties sa pag-usad ng isang tunay na demokrasya. Gayunpaman, wala pa rin namang provision sa ating Konstitusyon na humaharang sa pagluklok ng mga namumunong galing sa isang pamilya o angkan. Ang long-term na sistemang ito ay tinatawag na ‘sequence dynasties.’

‘Fad dynasties’ naman ang tawag sa isa pang klase ng dinastiya, ayon sa researchers mula sa AIM at Ateneo. Paliwanag ni Arugay, “Hindi mo na hinihintay yung term limit. Kapag nanalo ka, the next election, patatakbuhin mo yung asawa mo sa ibang position, yung anak mo sa ibang position.”

Mayroon daw 1,300 na dinastiya sa Pilipinas — pinagsamang Sequence at Fad na uri.

Maging matalino sa pagboto

Ginusto man natin ang political dynasties o hindi, sa dami ng mga ito ay matatagalan pa ang kanilang tuluyang pagkawala. Kaya naman, dahil tayo’y nasa isang demokrasya, gamitin natin ang kapangyarihang bumoto nang tama. Magiging mahalaga ito lalo na sa mga susunod na taong pipiliting bumangon ng bansa pagkatapos maparalisa sa pandemya.

Pagtatapos ni Arugay, “Sa tingin ko, malaking oportunidad yung paggamit ng eleksyon para sa isang mahusay na ehersisyo ng pananagutan.  Now is the time for them to answer the top questions… be very strict with the answers, at hindi pwede yung sagot na nasa dugo na. Wala pong pag-aaral na ang pagiging mabuti at magaling sa politika ay nadadaan sa DNA.”
 

---

Please watch Pamilya Talk on Facebook, YouTube, and Kumu (@JingCastaneda – 5:30-7:00pm Monday, Tuesday & Wednesday). Please share your stories or suggest topics at [email protected]. You can also follow and send your comments via my social media accounts: InstagramFacebookYouTubeTwitter and Kumu.

POLITICAL DYNASTY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with