^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Bakuna’y nasasayang dahil hindi iniingatan

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Bakuna’y nasasayang dahil hindi iniingatan

Maraming pinagdaraanang proseso bago makarating sa bansa ang mga bakuna. Sinisiguro na maayos ang mga ito. Napakaingat nang gina­gawang pag-transport mula sa COVAX facility ng World Health Organization (WHO) patungo sa mga recipient na bansa. Sinisiguro na hindi masisira o mapapanis. Pagdating sa airport, maingat na iba­­baba sa eroplano at sinisigurong nasa maayos na kondis­yon bago ibiyahe sa storage facility sa Muntinlupa City at Marikina City.

Pero sa kabila ng pag-iingat, mayroon ding nasa­sayang sa mga bakuna. Kasalanan na ng mga local government units (LGUs) na tumanggap ng mga bakuna. Nakakadismaya na kung gaano kaingat ang mga nag-manufacture at maging ang COVAX facility, kabaliktaran naman ng mga tumanggap na LGUs. Hindi pinag-iingatan at hinahayaang masira ang binayarang bakuna. Napakatagal hinintay ang pagdating ng mga bakuna at sa dakong huli, masasayang din pala ang mga ito.

Inamin ng Department of Health (DOH) na 12,970 doses ng bakuna ang nasayang mula nang magsimula ang kampanya. Ayon kay DOH Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, kadalasang ang kamalian sa paghawak sa bakuna kapag dinala na sa iba’t ibang bahagi ang dahilan kaya nasasayang. May nasayang dahil sa maling temperature, kawalan ng labels at mayroong nasunog. Ayon kay Vergeire, nagkaroon ng sunog sa Ilocos Norte at nadamay ang mga bakuna.

Noong nakaraang buwan, may mga nasayang na bakuna sa storage facility sa Muntinlupa dahil sa temperature excursion. Mayroon ding nasayang sa South Cotabato dahil inalis ng isang empleyado ang pagkakasaksak ng refrigerator na may mga vaccine. Mayroon ding mga bakuna na nalubog sa tubig habang itina-transport sa pamamagitan ng bangka.

Dapat malaman ng LGUs at kanilang staff na ma­rami pa ang hindi nababakunahan. Marami ang gus­tong magpabakuna pero dahil kapos sa suplay­ hindi sila maturukan. At saka mababalita na mara­ming nasasayang na bakuna dahil sa kagagawan ng mga hindi marunong mag-ingat.

Pangalagaan sana ang mga bakuna upang hindi masayang. Marami pa ang nangangailangan kaya mahalagang ingatan ang bawat patak.

WHO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with