^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Umaariba ang mga krimen

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Umaariba ang mga krimen

Amoy election na at amoy krimen na rin. Sa kasalukuyan, filing na ng certificate of candidacy (COC) ng mga tatakbo sa election na ­matatapos sa Oktubre 8. Kahit na ang campaign period ay sa Pebrero pa, marami na ang pasimpleng ­na­ngangampanya. Kapansin-pansin na ang mga nakadikit na campaign posters ng mga kandidato sa mga pader. Namumulaklak na sa rami ang mga nakasabit na tarpaulin at banners kahit saang sulok. Premature campaigning na hindi kayang kontrolin ng Commission on Elections (Comelec).

Ang nakaaalarma ay ang pag-ariba ng mga krimen na nagaganap sa maraming bahagi ng ­bansa. May mga patayang nagaganap gaya ng pag-ambush. Bukod sa mga patayang nagaganap, naghahatid din ng takot ang mga nakawan sa banko at iba pang ­establisimyento na tila konektado sa nalalapit na election.

Maraming naghahanap ng pondo para ­gamitin sa kandidatura. At isa sa maaaring gawin ay mangholdap ng banko. Ang makagagawa lamang ng mga ganitong krimen ay ang private armed groups (PAGs) sapagkat sila lamang ang mga may armas. Gagawin nila ang lahat para sa pinagsisilbihang ­pulitiko. ­Gagawa sila ng paraan para makakulimbat nang ­malaking pera na ipopondo sa kandidatura.

Nakaaalarma rin ang pagbabanggaan ng magkakalabang pulitiko. Palibhasa’y mayroon silang armadong grupo, walang takot na magpatayan para makuha ang hinahangad na puwesto. Marami nang nagaganap na pag-ambush ng mga pulitiko na masasabing may kinalaman sa election. Marami na ring mga pagbabanta sa magkakalaban.

Noong Miyerkules, hinagisan ng granada ang ancestral house ni Deputy Speaker Rufus Rodriguez sa Cagayan de Oro City. Hindi pumutok ang granada.

Noong Miyerkules din, pinagbabaril ng mga armadong kalalakihan ang kotseng sinasakyan ng vice mayor aspirant sa Maguindanao. Nakaligtas si Sam Zailon Esmael subalit napatay ang kanyang bodyguard.

Filing pa lang ng COCs pero umaariba na ang karahasan. Paano kung kampanyahan na? Maghanda na ang Philippine National Police (PNP) at tiyakin na magiging mapayapa ang darating na election. Paigtingin ang pagbabantay sa election hotspots.

 

COMELEC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with