^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Apurahin pagbakuna sa mga bata

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Apurahin pagbakuna sa mga bata

LABINLIMANG bata ang inireport na naka-confine sa Philippine General Hospital (PGH) dahil sa COVID-19. Mayroon din umano sa iba pang ospital sa Metro Manila. Hindi na ligtas ang mga bata sa virus kaya nararapat apurahin ang pagbakuna sa kanila. Dapat masimulan na para mayroong proteksiyon.

Noong nakaraang linggo, inaprubahan na ni Pre­sident Duterte ang pagbabakuna hindi lamang sa mga bata (edad 12-17) kundi sa lahat ng mamamayan. Ginawa ng Presidente ang pasya makaraang mabatid na wala nang magiging problema sa suplay ng bakuna. Pinayuhan umano ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. ang Presidente na maaari nang bakunahan ang mga bata at mamamayan. Niliwanag ni Galvez na wala nang problema sa vaccine at marami pa umano ang paparating. Kamakalawa, may dumating na mil­yong doses ng Pfizer vaccine na donasyon ng United States. Nasabi pa ni President Duterte na baka mag­­­tu­ngo siya sa US para magpasalamat sa donasyong vaccine.

Magandang balita na wala nang magiging problema sa bakuna at sisimulan na ang pagbabakuna sa mga bata. Maraming bata ang tinatamaan ng CO­VID at mayroong namatay. May mga sanggol din na tinamaan. Nakapagtataka na hindi naman lumalabas ng bahay ang mga bata pero tinamaan pa rin. Paano pa kung magsimula na ang face-to-face classes?

Mahalaga talagang mabakunahan ang mga bata para may proteksiyon sila. Sakali mang magpasya ang Department of Education (DepEd) na mag-face-to-face, wala nang kaba na mahahawa ng COVID ang mga bata. Sikapin din naman sana na mabakunahan ang mga guro para may sapat na proteksiyon.

Bumababa na ang infection level sa Metro Manila, ayon sa OCTA Research Group. Ito ay kasunod ng gina­wang granular lockdown sa maraming lugar sa National Capital Region. Tagumpay ang granular lockdown kaya dapat manatili ang ganito sa mga lugar na mataas ang kaso. Kasabay sa lockdown, paigtingin ang pag-COVID test sa mga residente at ganundin ang vaccination campaign. Kapag naabot ang target na rami ng nabakunahan (85 percent) sa Metro Manila, tiyak na bababa ang kaso at patuloy na sa pagbuti. Sa ganito, mabubuhay na ang ekonomiya­. Lahat sana, mabakunahan na kasama ang mga bata upang maging masaya ang Pasko.

COVID-19

PGH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with