^

PSN Opinyon

Marami nang lumantad at nagsiwalat

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MADALAS marinig mula sa administrasyong Duterte  na kung walang itinatago, walang kasalanan, hindi dapat katakutan ang anumang imbestigasyon. Ngayon, inutos ni President Duterte na kailangan ang kanyang permiso bago makadalo ang miyembro ng kanyang Gabinete sa imbitasyon ng Senado, na unang ginawa ni Gloria Arroyo noong kontrobersya sa “Hello Garci”. Magkabaro talaga sila.

Kaya nagpahayag naman ang ilang senador na ma­aari ngang gawin ni Duterte iyan, pero hindi sa mga priba­dong tao. Dagdag pa ni Sen. Ping Lacson, ano na ang iisipin ng taong-bayan kung ganyang ayaw humarap sa imbestigasyon ang mga iyan. Hindi kaya may itinatago?

Hindi kaya na sa rami ng testimonya at ebidensiya sa kasalukuyang imbestigasyon sa transkasyon ng gobyerno sa Pharmally Pharmaceuticals ay umaatras na lang sila at magtago? Naaalala ko tuloy ang hamon ni Duterte kay dating Associate Supreme Court Justice Anonio Carpio na mag-debate tapos nang tanggapin ni Carpio ang hamon, umatras naman ang nanghamon.

Napakarami nang lumantad sa imbestigasyon sa Phar­mally. Wala palang pera at umutang pa para mapatupad ang nakuhang bilyun-bilyong kontrata sa gobyerno. Kung Pilipinong kompanya kaya ang gumawa niya, pinalampas kaya nitong administrasyon? Kung wala sa eksena si Michael Yang kahit ano pa ang pagtanggi niya, nakuha kaya ng Pharmally ang kontrata? Kung walang koneksyon sa gobyerno, nakuha kaya nila ang kontrata?

At hindi na isyu ang overpricing ng mga PPE. May ume­eksena kasing mambabatas ngayon na hindi daw binig­yan ng Senado ang kahalagahan na wala naman daw sinabing overpricing ang COA. Marami na ang na­ung­kat na iregularidad sa buong transaksyong ito, kaya wala na ang isyung iyan.

Bakit walang “due diligence” ang Procurement Service-Department of Budget and Management (PS-DBM) sa Pharmally na kulang ang kapital bago ibinigay ang kontrata? Ang ibinigay na address pa sa Taguig ay peke. Bakit nauna pa ang delivery ng mga kagamitan bago mabigay ang “notice of award”, at bayad kaagad ang Pharmally?

Nasa China pa ang kagamitan, may pirma na ang inspection reports? Bakit kulang-kulang ang RT-PCR test kits na dineliver ng Pharmally? Lahat ba ito ayaw itanong ng mambabatas na umeeksena?

 Hindi dapat umatras ang Senado, kahit ano pang kilos ng Palasyo at mga kaalyado nito. Tama ang imbistigasyon na ginagawa. Sa kilos ng Palasyo ay tila lumalapit na ang imbestigasyon sa mga taong ayaw masiwalat na may kinalaman o koneksyon sa lahat na ito. Uulitin ko, kung walang pagkakamali, hindi kailangang magtago o maglihis, hindi kailangang magalit, hindi kailangang magbanta. 

SCANDAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with