^

PSN Opinyon

Wala sa lugar

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Dahil sa tindi ng batikos na inabot ni Presidential Spokes­person Harry Roque dahil sa panenermon niya sa mga doktor, ginagaya na rin niya ang kanyang pinuno sa pa­mamagitan ng pagbabala na maaaring kasuhan sa Anti-Wiretapping Law ang sinumang nagkalat ng video. Kuha sa video ang kanyang panenermon sa grupo ng mga doktor na nakipagpulong sa kanya para pakiusapan na huwag munang luwagan ang quarantine dahil nga sa pagdami ng kaso.

Napag-alaman na si Dr. Maricar Limpin, pangulo ng Philippine College of Physicians (PCP) ang kausap. Pinagsabihan niya ang mga doktor na dapat kilalalanin ang mga kilos ng Duterte administration kontra ng pan-demya dahil puro pamimintas lang daw ang bukang-bibig nila. Ayon, dapat pala purihin ang administrasyon, dapat pala purihinin ang pangulo, dapat pala purihin silang lahat at hindi sila nagkakamali sa lahat ng kanilang kilos na parang obligasyon ng mga doktor at healthcare workers.

Wala talaga sa lugar si Roque. Tama lang at matinding batikos ang inabot niya mula kay Dr. Leni Jara ng Solidarity of Health Advocates and Personnel for a Unified Plan to Defeat COVID-19 (Shape Up). Hindi niya alam ang humarap araw-araw sa peligrong dulot ng COVID-19. Hindi siya naka-duty sa ospital ng 10 hanggang 12 oras o higit pa kung kulang ang tauhan, palipat-lipat ng nilalakaran para lang maalagaan ang mga may sakit.

Sigurado ako mas kumportable ang kanyang tanggapan, laging masarap ang kinakain at kadalasan ay nakakauwi ng tamang oras. Hindi siya ang nakaharap sa mga kamag-anak na desperado na. Hindi siya ang humaharap sa mga pasyenteng hindi makakuha ng kuwarto sa mga ospital. At sinermonan ba siya ng mga doktor? Bakit ganyan ang reaksiyon niya?

Hindi ko matanggap ang kanyang panenermon sa mga doktor sa panahong ito pero hindi na rin ako magtataka. Saan ba siya magmamana? Katangian ng admi-nistrasyong ito ang power tripping sa lahat ng bagay. Imbis na makinig at makilahok sa maayos na diskurso kahit mula sa mga kritiko, idaraan sa galit, sa pagmumura, sa pananakot ang lahat.

Ngayon, nais niya maging miyembo ng International Law Commission sa United Nations? Akala ko ba nanggagalaiti sila sa International Criminal Court na kung hindi ninyo alam ay bahagi si Roque para maging miyembro ang Pilipinas na ngayon ay inalisan na ni Duterte. Kabalintunaan.

Lahat naman ay gustong makabalik na sa normal. Lahat ng negosyo, mga hindi pa nagsasara, ang nais maging normal ang operasyon. Lahat ay nais manatili sa kanilang mga trabaho. Pero may pakialam ba ang coronavirus sa lahat na iyan? May time-out din ba ang COVID? Wala. Habang hindi pa nakakamit ang herd immunity sa pamamagitan ng bakuna, anuman ang numerong iyan ngayon, hindi magiging normal ang lahat kahit ano pang ipilit ng gobyerno.

Paano magiging normal ang negosyo kung takot rin lumabas ng tao dahil rumaragasa pa ang COVID? Sa totoo nga, kahit kumpleto na ng bakuna, hindi ito garantiya na hindi magkakasakit. Ang malaking posibilidad lang ay hindi seryoso ang magiging tama ng COVID. Hindi pa nga tapos ang coronavirus sa atin. Naglalabasan pa ang mga variants nito. Ibig sabihin, nauutakan tayo ng virus at naglalabas ng bagong panlaban.

PCP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with