^

PSN Opinyon

Katarungan sa yaya

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

(Huling bahagi) 

Ayon sa awtopsiya, 13 sugat ang tinamo ni Mira sa iba’t ibang parte ng katawan at 10 rito ang matindi ang pinsala. Napag-alaman din na ginahasa si Mira base sa natagpuan na likido sa kanyang ari kung saan isinaksak pa ang bunga­nga ng bote. Samantala, pitong sugat naman ang natamo ni Kael na namatay dahil sa pagdurugo ng utak nito. Dinala si Sunshine sa ospital at nanatili roon sa loob ng 13 araw.

Matapos mapagtagni-tagni ang ebidensiya, napag-alaman base sa sumbong ni Sunshine na sina Rikki, Butch at Leo na nakita ng bata sa tatlong okasyon ang gumahasa at pumatay kay Mira at pumatay din kay Kael. Nagsampa ng tatlong kaso, rape with homicide, murder at frustrated murder sa tatlo.

Sina Rikki, Butch at Leo ang nakita ng batang si Sunshine na gumawa ng krimen. Tumestigo naman ang ina ni Kael na si Liezel kung paano natagpuan ang mga biktima. Samantala, si Nida naman ay tumestigo na pag-alis niya ng bahay bandang 7:30 ng umaga, nakita niya si Rikki sa harap ng bahay nito na nakikipag-inuman kina Butch at Leo.

Sa tulong ng mga eksperto sa ospital na kinuha ng korte at magkabilang-panig ay tumestigo sa korte si Sunshine at itinuro ang tatlong akusado na sina Ricky, Butch at Leo mula sa police line-up. Sila raw ang pumasok sa bahay nang mangyari ang insidente. Si Rikki ang pumukpok sa ulo ni Kael at si Butch naman ang dumamba kay Mira saka ito ginahasa.

Tumestigo rin ang mga pulis na gumawa ng imbestigasyon sa kaso at nakasaksi nang kilalanin ni Sunshine ang tatlong akusado. Kahit ang piskal na gumawa ng paunang imbestigas­yon ay tumestigo rin sa pagkilala ni Sunshine sa mga akusado.

Sa kanilang depensa, ang sinasabi lang nina Rikki, Butch at Leo ay hindi sila nakilalang maigi ni Sunshine. Wala raw sila sa lugar nang mangyari ang krimen. Si Rikki raw kasama ng misis nito ay nasa ibang bayan samantalang si Butch ay nasa isang restawran, kumakain at nakikipagsaya sa ibang tao. Si Leo naman daw ay nasa isang bar kasama ang tatlong kaibigan at buong araw na umiinom nang nangyari ang insidente hanggang kinaumagahan.

Hinatulan ng mababang hukuman ang tatlong akusado. Kamatayan para sa ginawa nilang paggahasa at pagpatay kay Mira; reclusion perpetua o habambuhay na pagkakulong sa pinagplanuhan nilang pagpatay kay Kael at 13 taon hanggang 17 taon at 4 na buwan na pagkakulong sa frustrated murder kay Sunshine.

Sa awtomatikong pag-akyat ng kaso sa Supreme Court, ikinakatwiran lang ng mga akusado na hindi lubos na napatunayan na ginawa nila ang krimen dahil hindi sila ganap na nakilala ni Sunshine.

Nang ipasa ng SC ang kaso sa CA ay hindi nabago ang hatol sa tatlo bagaman binawasan ang parusa, imbes na kamatayan ay reclusion perpetua na lang ang ipinataw para sa rape with homicide at 10 taon isang araw hanggang 17 taon at apat na buwan para sa kasong murder at pinagbabayad ang tatlo ng danyos (civil indemnity, moral damages, exemplary damages).

Pareho ang naging hatol ng SC. Napatunayan nito ng walang pag-aalinlangan na nagkasala ang tatlo. Ayon sa SC, may kakayahan naman na tumestigo ang isang bata maliban kung mapatunayan ng korte na walang sapat na kakayahan ang bata para sumagot tungkol sa kanyang nakita o narinig. Nag-imbita ang korte ng mga eksperto upang tumestigo tungkol sa cerebral palsy at ang kakayahan ng isang tulad ni Sunshine na sumagot tungkol sa kanyang mga nasaksihan.

(People vs. Golidan et. Al., G.R. 205307, January 11, 2018).

RIKKI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with