^

PSN Opinyon

Illegal logging, talamak sa Mountain Province!

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

SINALAKAY ng National Bureau of Investigation-Cordillera noong Setyembre 3 ang apat na lugar sa Sabangan, Mountain Province at nakakumpiska ng 11,516 board feet ng natistis na pine trees na nagkakahalaga ng P535,516.00.

Sa bisa ng search warrants, natambad sa NBI ope­­ratives ang nakatambak na pine trees na ilegal na pinutol. Sinalakay din sa Bgy. Data ang mga furniture shop at display center na ang mga produkto ay mula sa mga itinumbang pine trees.

Tatlong personalidad ang kinasuhan ng NBI dahil sa paglabag sa Presidential Decree 705 (Revised Forestry Code of the Philippines).

Matagal na umanong negosyo ng tatlong persona-lidad ang pagpuputol ng pine trees.

Ang pagsalakay ng NBI ay sampal sa Philippine National Police, Department of Environment and Natural Resources, local government units at provincial government.

Malaking katanungan kung bakit NBI pa ang kaila-ngang mag-secure ng warrants at salakayin ang mga nagputol ng pine tree.

Bulag at bingi ba ang mga pulis sa Sabangan at Mountain Province? 

E ang CENRO-Sabangan at PENRO-Mt. Province?

E ang governor, mayor at barangay officials, bulag at bingi rin dahil hindi nila nakita at narinig ang pagtumba ng pine trees sa pamamagitan ng chain saw. Pati pagtistis sa napakaraming pine trees hindi na rin nila nakita at narinig?

Magkano ba para maging bulag at bingi?

Kung patuloy na magiging bulag at bingi ang mga awtoridad, mauubos ang pine trees sa Mountain Province.

* * *

Para sa suhestiyon: [email protected]

ILLEGAL LOGGING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with