^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Lalong bumangis ang drug traffickers

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Lalong bumangis ang drug traffickers

WALA nang takot ang sindikato ng droga nga­­yon­­. Sa halip bumahag ang buntot, lalo pang naging­ notorious. Nakakapagpasok sila nang ma­ra­­ming droga sa bansa kasabwat ang mga corrupt sa pama­halaan. Kahit may pandemya, tuluy-tuloy ang kanilang drug business. Mula Marso 2020 na nagsimula ang pandemya, hanggang sa kasalukuyan, tone-toneladang shabu na ang naikakalat ng mga sindikato ng droga.

Hindi nakapigil sa kanila ang lockdown, bagkus lalo pang naging mabangis sa pagpapalawak ng drug business. Halos araw-araw ay may nakukumpiskang shabu ang pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ang mga naaaresto at napapatay ay mga Chinese.

Noong Martes, apat na Chinese drug traffickers­ ang napatay ng Zambales PNP at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang drug opera­tions sa Candelaria, Zambales. Nakuha sa mga napatay na Chinese ang 500 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P3.4 bilyon. Ang shabu ay naka­lagay sa mga sako ng fertilizer at natagpuan sa isang resort. Ito ang pinakamalaking drug haul nga­yong taon, ayon sa PDEA. Ang mga napatay ay mga miyembro ng transnational drug trafficking organization. Tatlong buwan na minanmanan ng PDEA at Zambales PNP ang sindikato. Ayon sa mga awto­ridad, nagmamay-ari ang mga ito ng iba’t ibang negosyo na ginagawang front, kabilang ang resort at fishpond sa Zambales.

Iniulat kamakailan ng United Nations, na “busi­ness as usual’’ na uli ang drug traffickers. Masigla na naman ang negosyo ng mga ito batay sa taunang world drug report ng UN. Nagpahinga pansuman­dali ang drug traffickers dahil sa pandemya pero muli na namang aktibo.

Pero kahit na tuso at magaling ang drug traffickers­, hindi pa rin nila malilinlang ang mga tapat na pulis at PDEA agents gaya nang nangyari sa Zambales. Dahil sa dedikadong pag-surveillance ng mga pulis at PDEA sa apat na Chinese, napatay ang mga ito at nakumpiska ang 500 kilos ng shabu. Kung hindi nabawi ang shabu, marami itong sisi­raing buhay.

Paigtingin pa ng PNP at PDEA ang pagmaman­man sa drug traffickers. Ibuhos pa nina PNP chief Guillermo Eleazar at PDEA chief Wilkins Villa­nueva ang husay sa pagdurog sa mga salot ng lipunan. Iligtas ang bansa at kabataan sa illegal na droga.

DRUG TRAFFICKERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with