^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Alaala sa mga namatay, benepisyo sa mga buhay

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Alaala sa mga namatay, benepisyo sa mga buhay

Isang Memorial Wall Site para sa mga health frontliners ang balak ipatayo ng pamahalaan sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City. Layunin sa pagtatayo ng memorial wall na makilala ang kabayanihan ng health frontliners na namatay sa pagganap ng tungkulin habang ang bansa ay sinasalanta ng COVID-19. Karamihan sa mga pumanaw ay mga doktor, nurses at iba pang medical personnel.

Ayon kay National Task Force (NTF) against COVID-19 Chief Implementer and vaccine czar, Sec. Carlito G. Galvez Jr., gagastos ang pamahalaan ng P2 hangggang P5 milyon sa pagpapatayo ng memorial wall. Bukod sa mural, naka-feature sa wall ang mga pangalan ng mga namatay na frontliners na itinuturing na mga bayani. Ayon kay Galvez, makikipagtulungan ang gobyerno sa pribadong sector para mapabilis ang pagtatayo ng memorial wall. Balak nilang matapos ito sa Disyembre.

Nakikipag-ugnayan na umano si Galvez kay Defense Secretary Delfin Lorenzana at iba pang stakeholders para sa desenyo ng memorial wall. “Maliit lang po ito but that memorial will always symbolize ‘yung heroism. This is beyond our generation. The expense na ibibigay natin doon, that’s priceless,” sabi ni Galvez sa press conference.

Kapuri-puri ang proyektong ito para sa mga namayapang health frontliners na talaga namang mga bayani sapagkat buong tapang at puso silang naglingkod sa mga kababayang may COVID. Sa kabila ng delikadong gawain, patuloy silang nag-alay ng sarili. Hindi inalintana ang sariling buhay at ang nasa isip ay makapagsilbi sa kapwang maysakit. Magandang alaala ang memorial para sa mga bayaning health workers. Hindi malilimutan ang kanilang nagawa sa panahon ng pandemya.

Subalit mas magiging kapuri-puri kung mapapabilis din naman ang pagkakaloob ng benepisyo sa healthworkers. Mas kailangan ngayon ng healthworkers ang kanilang special risk allowance (SRA) ganundin ang food at transportation allowance. Nag-utos na ang Malacanang na ipagkaloob ito sa loob ng 10 araw pero hanggang ngayon marami pa ang hindi nakatatangap.

Makatwiran na bigyang halaga at alalahanin ang mga namatay na healthcare workers pero mas dapat bigyang pansin ang mga buhay at kasalukuyang nakikipaglaban para mapaglingkuran ang mga maysakit.

NATIONAL TASK FORCE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with