^

PSN Opinyon

Resilience training para sa Makati City civil servants

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

KASAMA sa pagpaplano at paghahanda ng pamahalaang lungsod ang pagtiyak na patuloy na makapaghatid ng serbisyo publiko at iba pang essential services sa kabila ng anumang krisis o kalamidad.

Bukod sa paghahanda ng kagamitang pantugon kapag may emergency o natural disaster, sumasailalim din sa iba’t ibang training ang ating mga civil servants. Kasama rito ang tinatawag na Public Service Continuity Planning (PSCP).

Mahalaga sa lokal na pamahalaan at public sector organizations na siguraduhing maipagpapatuloy at hindi maaantala ang mga pangunahing serbisyo sa gitna ng mga emergency situations, tulad ng pandemya, dahil napakaraming mamamayan ang umaasa sa pamahalaan.

Kinakailangang ang bawat institusyon, departamento at tanggapan ng pamahalaang lokal ay may mahusay na mekanismo o sistema ng komunikasyon at koordinasyon upang matiyak na maipagpapatuloy ang kani-kanilang mga tungkulin at serbisyo sa gitna ng isang krisis o hindi inaasahang pangyayari.

Sa lungsod ng Makati, 41 departamento at opisina ang muling sumailalim sa PSCP workshops ng Philippine Di­saster Resilience Foundation (PDRF) ngayong Agosto upang makapagbuo ng Public Service Continuity Plan ng lungsod. 

Ang Makati ang isa sa dalawang lokalidad na unang na-train ng PDRF tungkol sa PSCP noong nakaraang taon.

Step-by-step ang proseso ng pagpaplano at nanganga­ilangan ng masusing pag-aaral at deliberasyon. Nakasalalay dito ang survival ng pamahalaang lungsod sa panahon ng matinding sakuna.

Bahagi pa rin ito ng resilience building na napakahalaga para makamit ang sustainable development at inclusive progress para sa ating lungsod. Dahil sa pandemya, lalong naging mas mahalaga na mapaghandaan natin ang lahat ng uri ng disaster at emergency para masiguro na patuloy ang paglilingkod at serbisyo sa ating mga Makatizens.

Ginagawa natin ang pagsasanay ng mga Continuity Core Team sa bawat opisina para matiyak na makakapagpatuloy pa rin ang mga essential functions ng bawat isa kahit na worst case scenario tulad nang malakas na lindol, kung saan hindi makakapag-report ang mga kawani sa kani-kanilang departamento. 

Dito natin gagamitin ang mobile command center upang maging sentro ng komunikasyon, koordinasyon at aksyon ng mga naatasang miyembro ng continuity core teams.

Sa panahon ng disaster, napakahalaga na maging handa, kalmado, at may fool-proof plan para sa kapakanan ng buong lungsod. Huwag nating ipagkibit-balikat at iasa sa national government ang pagpaplano para sa ating lahat. 

Mayroon tayong kakayahan na maghanda, magplano, at magbalangkas ng mga programa para sa ikabubuti ng serbisyo para sa ating mga mahal na Makatizens. 

Lakipan natin nang maayos na paghahanda ang ating mga panalangin na iligtas tayo ng Poong Maykapal sa mga disaster at sakuna.

TRAINING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with