^

PSN Opinyon

Komunismo vs Kristiyanismo: Relihiyon sinisikil sa China

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Materyalismo ang buod ng Komunismo. Hindi lang kinontra nina Marx, Lenin, Stalin at Mao ang pagkakaroon ng Diyos, tinuring pa nilang “opyo ng masa” ang pagsampalataya. Komunismo ang relihiyon para sa kanila.

Sinupil ang Kristiyanismo bilang “dayuhang ideyolohiya” nu’ng 27 na taong pamumuno ni Mao Zedong. Kumontra kasi ang maraming pari at pastor sa karahasan ng Komunismo nang maagaw ng Chinese Communist Party ang kapangyarihan nu’ng 1949. Pero miski binawal ang Kristiyanismo, lumaganap ito sa pamamagitan ng mga sikretong “home churches” na nagmi-Misa at Bible studies.

Medyo lumuwag ang CCP sa sampalataya nu’ng ma­matay si Mao. Kinilala ang limang relihiyon: Buddhism, Taoism­, Islam, Katoliko, at Protestante. Pero sa mga pro­binsiya na dumami ang simbahan, winasak ang Krus ng mga kapritso­song CCP provincial chairmen.

Seloso sa loyalty ang CCP. Nu’ng sumikat ang Falun Gong sa  mga lungsod, pinag-initan nito ang mga Buddhists. Nu’ng nagsimulang umaklas ang mga Uighurs laban­ sa pang-aapi ng Komunista, sinara ang mga Muslim mos­ques nila.

Minsan nagkasabay bumisita sa America sina Chinese President Xi Jinping at Pope Francis. Pinagsalita sa joint session ng US Congress sa Washington DC ang pinuno ng 2.3 bilyong Katoliko, karangalang ipinagkait kay Xi. Para hindi matalbugan sa kasikatan at paggalang ng madla kay Francis, nanatili muna si Xi sa Seattle hanggang makaalis ang Pope. Inggit umano si Xi na 130 milyon ang Katoliko sa China, mas marami kaysa 90 milyong miyembro ng CCP.

Sapilitan pinaalis ni Xi ang mga “dayuhang aspeto” ng Kristiyanismo. Ipinasingit ang mga kaisipang Chinese. Pinagawang Chinese ang disenyo ng mga simbahan at kapilya. Pati mga poon at awit ay dapat Chinese ang estilo­ at tono. Pinakahulugang Chinese ang pag-aaral ng Bibliya­. Pinapayag ang Vatican sa kasunduan: luluwagan­ ang Katolisismo basta paaprubahan muna sa CCP ang mga obispo.

MATERYALISMO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with