IBP-Iloilo Chapter Shut up! Admonish your member!

Ang Media ang pang-apat na haligi. Ang tatlong haligi ng pamahalaan ay ang Hudikatura, Lehislatura at Eheku­tibo. Trabaho naming ilantad ang katotohanan. Ituring niyo ang media na “watchdog” sa lipunan, ipakita ang kahi­naan at kakulangan sa ating mga sistema

Kayo diyan sa Iloilo Chapter Integrated Bar of the Phi­lippines, suriin at tingnan niyong maigi kung anong pagkakamali ng isang miyembro ninyo. Bago kayo tumi­ngin sa bakuran ko, tingnan n’yong maigi ang bakuran n’yo!

Bago ang lahat, malaki ang respeto ko sa hudikatura natin kung saan napapaloob kayo, IBP – Iloilo Chapter. Andami n’yong sinabi laban sa estilo ng aking pamamahayag. Kasabay nito, kinondena n’yo kung papaano ko ginam­panan ang aking tungkulin na sumalungat sa ginawa ng miyembro n’yong si Atty. Kasper Bermejo. Miyembro n’yo ang isyu, hindi ako! Miyembro n’yo ang dahilan ng problema, epekto lang ako. Sa bibig mismo ni IBP National President Atty. Domingo Cayosa, mali ang abogado n’yo, mali rin si Judge sa kasong pinag-uusapan dito.

Huwag na nating pag-usapan ang mga merito ng kasong ito dahil ang mismong si Judge Eugene Cabardo, binawi ang 6 na arrest warrant. Humingi pa mismo si Judge Cabardo ng paumanhin sa naipakulong na pobre kung saan naisakatuparan ng inyong abogado. Nakaabot na ang kasong ito sa Korte Suprema sa mismong tanggapan­ ni Court Administrator Hon. Midas Marquez. Mag-iim­bes­tiga na raw ang kanyang tanggapan dito.

Analyze and internalize what your IBP National President Atty. Cayosa said, in our recorded interview: “the job of an attorney is not about filing and winning the case.”  Tungkulin ng miyembro n’yong si Atty. Bermejo na payuhan ang kanyang kliyente kung ano ang tama at nararapat. Hindi ‘yung kliyente niya ang magsasabi sa kanya kung anong dapat niyang gawin – eto ang isyu!

Etong malaking tanong ko sa inyo IBP Iloilo Chapter (kung sinuman sa inyo si Hestas, si Hudas at si Barabas):  Tama ba ang pagsasampa ng 6 na pare-parehong kaso sa iisang tao? (Ang taong sinampahan ay fish vendor na tatay ng namolestiyang 16 anyos na pumasok na kasambahay sa tatay ng kliyente ni Atty. Bermejo)

Here’s the fact, fish vendor na salat sa buhay ang inaakusahan ng Grave Threat. Ang nag-aakusa, may kaya, may sinabi sa buhay, ipinagmalaki na kaya raw nilang ubusin ang P1-milyon sa pamilya na kanilang ginigipit at pinatatahimik. IBP Iloilo Chapter, panahon ng pandemya ngayon. Mahirap ang pera, mahirap magpiyansa.

Mismong ang Chief of Police ng Iloilo na si PMaj Ronnie Brillo ang nagsabi, alleged pa lang ito na kinakailangan pa ng masusing imbestigasyon at panghihimasok ng PNP-Cybercrime.

Homicide ba ‘to? Murder ba ‘to? Tiyak, ilalaban niyo ‘to ‘yung gamit niyong palusot gamit ang mga artikulo-artikulo ng batas kung saan magagaling kayo. Tsk tsk tsk. IBP Iloilo Chapter, ano bang ipinaglalaban niyo? Bakit uminit ang dugo niyo sa’kin? As a journalist, it’s my job to right what is wrong. Unfiltered, like it or hate it! If you have nothing more to say, shut up! Just admonish your member.

Show comments