^

PSN Opinyon

Sen. Ping, baka may maitutulong ka rito

AKSYON NGAYON - AL G. Pedoroche - Pilipino Star Ngayon

Nagngingitngit sa galit sa Commission on Audit (COA) si Presidente Duterte dahil sa report nito hinggil sa hindi nagamit na P67-bilyong pondong nakalaan sa COVID-19 response ng Department of Health. Hmmm, baka may mali o kulang sa sistema na dapat ayusin. Baka may ideya si Sen. Panfilo “Ping” Lacson kung paano ayusin iyan sa pamamagitan ng legislation.

Naalala ko kasi, ang mahalagang batas na inakda ni Lacson nang bumalik sa Senado nung 2016 ay ang Budget Reform Advocacy for Village Empowerment (BRAVE) bill.

Layunin nito na direktang i-download sa mga local government units ang pondong kanilang kailangan sa pagpapagawa ng mga proyekto. Komo diretso sa kaban ng local governments ang pera, hindi na mamumroblema ang mga lokal na opisyal kapag may itinatayong proyekto.

Ipinakita ni Lacson ang malasakit sa mga local go-vernment units, ipakita rin niya ngayon ang malasakit sa pondo ng national government para sa kapakanan ng mamamayan sa panahon ng krisis. Ang dapat pagtuunan dito ay ang wastong paggamit ng pondo, pagtiyak na walang naibubulsa sa lukbutan ng mga tiwali at walang salaping naaaksaya.

Noong araw halos manikluhod ang mga local officials sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan na nasa Metro Manila at maging sa Senado at Kamara para lamang sila maambunan ng pondo para sa kanilang mga proyekto. Ngayon, hindi mga opisyal ang nagmamakaawa kundi taumbayan na hindi naaabutan ng ayuda gayung may pera naman pala.

Si Lacson ay advocate ng maganda at maayos na pamamahala kaya marahil puwede niyang pagtuunan ng pansin ito. Hindi lang kasi availability ng pondo ang kailangan kundi ang pagtiyak na ang pera ay nagagamit ng tama. Ang problema kasi, kapag in-audit ng COA at may nakitang aberya, lumilitaw na ang COA pa ang kontrabida at kalaban ng administrasyon. Ginagampanan lang ng COA ang mandato nito dahil salapi ng bayan ang nakataya.

COA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with