^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Uniform vax card ilabas na ng DICT

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Uniform vax card ilabas na ng DICT

SINABI ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na ilalabas nila ngayong Agosto ang uniform vaccination card. Pero hanggang ngayon, malapit nang matapos ang Agosto, wala pang napapasakamay na vax card ang mga bakunado. Maraming nagtataka sapagkat nangako ang DICT na ilalabas ito kasabay sa paglagda ng COVID-19 Vaccination Program Act of 2021 noon pang Pebrero. Ayon sa DICT lahat ng mamamayang bakunado ay magkakaroon ng iisa at unipormadong vaccination card.

Mahalaga ang pagkakaroon ng iisa o uniform na vaccination cards sapagkat magagamit ng ma­mamayan na magbibiyahe sa probinsiya. Isa ito sa requirements na inilabas ng IATF. Mahalaga lalo nga­yong nasa enhanced community quarantine ang NCR plus.

Lubha ring mahalaga sa overseas Filipino workers (OFWs). Hindi makakabalik ang OFWs sa pinagtatra­bahuhan hangga’t walang vaccination card na iisa ang source. Hindi tinatanggap ang vaccination cards na inisyu ng local government units (LGUs).

Ang Hong Kong ay naghigpit na sa vaccination card. Hindi papayagang makabalik ang OFWs na walang uniform vaccination card. Kailangan umanong iisa ang source ng card. Dahil sa patakarang ito, apektado ang pagbabalik ng 3,000 Pinay workers sa Hong Kong. Kung hindi makakabalik sa HK ang OFWs paano ang kanilang kabuhayan?

Nararapat tuparin ng DICT ang naipangako para naman hindi malagay sa alanganin ang trabaho ng OFWs. Dapat namang makipag-ugnayan ang local government units (LGUs) sa DICT para mapabilis ang pag-iisyu ng vaccination cards. Lahat ng impor­masyon ay manggagaling sa LGUs kaya nararapat ang koordinasyon dito. Una nang sinabi ng LGUs na ipo-provide nila ang lahat ng impormasyon ng mga nabakunahan para maging mabilis ang pagka­karoon ng data base ng mga bakunado.

DICT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with