^

PSN Opinyon

Digong, Duque sanggang-dikit

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Grabe talaga ang pagkakaibigan nina President Duterte ay Health Secretary Duque. Walang kaparis talaga. May kasabihan, ang ano mang uri ng pagkakaibigan ay bulag kahit sa ano mang kapintasan. Sabi nga ni William Shakespeare “Love is blind and lovers can’t see.”

Natuwa ako nang mabasa sa balita na nagalit na si President Duterte sa report ng Commission on Audit hinggil sa P67-billions halaga na naaksaya ng Department of Health kaugnay ng kampanya laban sa pandemya. Napalitan ng pagkadismaya ang naramdaman ko nang ang kinagalitan pala ng Presidente ay hindi si Duque kundi ang COA.

Sinabihan ng Presidente ang COA na tumigil sa pag­lalathala ng mga report na nakasisira sa reputasyon ng kanyang administrasyon. Nagharap ng letter of resignation si Duque, gayunman hindi ito tinanggap ng Presidente na kasanggang-dikit niya.

Ahh, iyan ang tunay at walang maliw na pagkakaibigan na hindi maigugupo ng kahit anumang unos. Handang itaya kahit ang reputasyon para lamang mapanatiling matatag ito. Idinepensa pa ng Presidente ang kanyang matalik na kaibigan.

“Wala ka namang kasalanan, bakit ka magbibitiw?” Ang tahasang sinabi ng Presidente sa kanyang best of friend. Noon pa man, iyan na ang pananaw ng Presidente sa kanyang kaibigan. “Malinis, marangal at hindi magnanakaw dahil dati nang mayaman.”

Iyan ang uri ng pagkakaibigan na walang itinatakdang hangganan. Talagang nag-iisa lang si President Duterte at walang katulad, Salamat sa Diyos. Isipin na lang na kung maraming kagaya niya, lalong mababaon sa lusak ng kawalang pag-asa at kahirapan ang ating mahal na bansa.

HEALTH SECRETARY DUQUE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with