^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Naikorek na ba ng DepEd ang mga mali sa textbooks?

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Naikorek na ba ng DepEd ang mga mali sa textbooks?

KAHAPON nagsimula ang enrolment para sa public schools sa buong bansa. Magsisimula ang klase sa Setyembre 13. On line o distance learning pa rin ang sistema ng pagtuturo. Walang face-to-face dahil sa banta ng COVID-19 na ngayon ay dumarami ang kaso. Bukod sa Delta variant, isa pang variant – ang Lambda ang nasa bansa na.

Lalo nang hindi papayagan ni President Duterte ang pagdaraos ng face-to-face kahit pa sa mga lugar na sinasabi ng Department of Education (DepEd) na mababa ang kaso. Ang Presidente ang nagpapasya at hindi ang DepEd. Una nang sinabi ng Presidente na ayaw niyang malagay sa alanganin ang kalusugan ng mga bata.

Ngayong tumataas muli ang kaso ng COVID-19 – pumapalo sa 13,000 ang kaso bawat araw, at may lumilitaw pang bagong variant, tiyak na patuloy sa online classes ang mga bata. Walang mapagpipilian, kahit maraming nagsasabi na hindi gaanong natututo ang mga bata sa ganitong sistema. Dapat magpatuloy upang hindi maging kawawa ang mga bata.

Ang mga estudyanteng walang gadgets at mga nasa liblib na lugar ay patuloy na bibigyan ng prin-ted modules. Mga guro ang mismong nagdadala ng modules sa mga bahay ng estudyante.

Ang tanong ngayon ay kung naiwasto na ba ng DepEd ang mga mali sa textbooks? Inalis na rin ba ang malalaswang salita na ginamit sa modules? Wala na bang nakalusot?

Sa mga nakaraang taon, tadtad ng errors ang textbooks ng mga estudyante. Maaaring ang mga maling impormasyon sa textbooks ang dahilan kaya nangu­ngulelat sa kumpetisyon ang mga Pinoy students.

Noong nakaraang Hunyo, nadiskubre ang mga malalaswang salita sa module na ginagamit ng Grade 10 students sa Pampanga. Mga magulang ng mga bata ang nakadiskubre sa malalaswang salita at ipinaabot sa educator na si Antonio Calipjo-Go. Nagkaroon ng hearing sa Kongreso at ipinakita ni Go sa hearing ang kopya ng module kung saan, topic ang tungkol sa aswang at ang sinasabing pakikipagtalik nito.

Hindi na sana malusutan ng mga kamalian ang textbooks at kalaswaan ang modules. Isaayos ito ng DepEd. Malaki naman ang budget nila kaya maaa-ring mag-hire ng mga kuwalipikadong researchers, writers o translators para sa textbooks at modules.

vuukle comment

COVID-19

DEPED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with