^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Hindi maayos ang pamamahala

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Hindi maayos ang pamamahala

Problemado ang gobyerno kung saan ku­ku­nin ang ipang-aayuda sa mamamayang apektado ng lockdown. Kapag ini-extend pa ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila, lalo pang bibigat ang problema sapagkat hindi na talaga alam ng pamahalaan kung saan kukuha ng perang pang-ayuda.

At habang ang pamahalaan ay hilong-talilong sa paghanap ng pondo, mayroon namang tanggapan ng pamahalaan na hindi maayos ang pamamahala sa COVID-19 funds. Imagine, habang saklot ng pandemya ang bansa ang tanggapang ito ay inaakusahan ng Commission on Audit (COA) na may iregularidad.

Ayon sa COA, hindi maayos ang pamamahala ng Department of Health (DOH) sa COVID funds na nagkakahalaga ng P67.32 bilyon. Ang nasa­bing pondo ay nakalaan para gamitin sa panana­lasa ng COVID noong nakaraang taon subalit hindi naisagawa. Ayon pa sa COA, may mga iregula­ri­dad umano sa pagbili ng medical supplies na hindi naman nagamit dahil sa kakulangan ng plano.

Hanggang ngayon, ayon sa COA, ang mga bini­ling supplies ay hindi pa nagagamit. Ito pa naman ang mga gamit na mahalaga para sa pagtugon sa pandemya. Ayon sa COA, nilabag ng DOH ang Government Procurement Reform Act nang magkulang sa documentation at pagsunod sa procurement procedure.

Sabi naman ni DOH Sec. Francisco Duque III, na walang anomalya sa nasabing pondo at ginamit ito sa pagbili ng COVID test kits, personal protec­tive equipment (PPEs) at para sa suweldo ng mga medical frontliner.

Nararapat na magkaroon nang malinaw na imbestigasyon sa alegasyon na ito sa DOH. Lagi na lang nakukuwestiyon ang departamento na may kinalaman sa pondo. Kailangang maglabas ng katibayan ang DOH para hindi sila mapagbintangang nagbubulsa ng pondo. Ngayong naghihikahos ang bansa dahil sa pandemya, walang puwang ang pagnanakaw ng pondo ng bayan. Kailangang ipa­liwanag ng DOH ang ibibintang ng COA. Kapag hindi ito nagawa ng DOH sa lalong madaling pana­hon, malinaw na may katotohanan ang alegasyon.

COA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with