^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Vaccine slots for sale

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Vaccine slots for sale

Sunud-sunod ang pagkaaresto sa mga taong nagbebenta ng vaccine slots at pawang may mga kasabwat na barangay official. Mahal na naibebenta ang vaccine slot at ang mga parukyano ay mga Chinese na nagtatrabaho sa Philippine offshore gaming operators (POGO). Nagkakahalaga umano ng P6,000 bawat vaccine slots.

Kung ang mga taga-barangay ang mismong ka­sab­wat sa bentahan ng vaccine slot, malamang na maraming lehitimong residente ng barangay ang hindi mabakunahan dahil sa katiwaliang nangyayari. Dahil sa mahal na naibebenta ang slots, magkakaubusan ng bakuna dahil naibenta na sa mga Chinese. Kawawa naman ang mga residente na matagal nang nakare­histro sa barangay pero hindi pa mabakunahan dahil nga nagkaubusan na ng bakuna. Sa laki nang kinikita ng mga korap sa barangay, pawang mga Chinese lamang ang mababakunahan.

Noong nakaraang Sabado, isang barangay kagawad sa Maynila at kanyang kasabwat ang inaresto ng National Bureau of Investigtation (NBI) dahil sa pagbebenta ng vaccine slot. Nakilala ang barangay kagawad na si Arturo Magtalas at kasabwat na si Benjie Montaos. Naaresto sila sa isang pampublikong eskuwelahan sa Tondo, Maynila na ginagawang vaccination sites. Ayon sa NBI, nakatanggap sila ng impormasyon na magbebenta ng 10 vaccine slots sina Magtalas sa mga Chinese workers. Ang mga Chinese na parukyano ay sasamahan umano ni Magtalas sa mismong vaccination sites. Kinasuhan na si Magtalas.

Noong Biyernes, naaresto ng NBI ang dating go­vernment witness na si Mary Rose Ong alyas “Rosebud­” dahil sa pagbebenta ng vaccine slots sa mga Chinese sa Pasay City. Bukod kay Rosebud, naaresto ang kapatid nito na si Peter Ong ng Kawit, Cavite; Warlito Dabuet Mabanan, ng Pasay; at Ferdinand Madrid Mabalo, barangay secretary sa Pasay.

Noong nakaraang Hunyo, may naaresto ring nurse na nagbebenta ng Sinovac vaccine sa Maynila. Mayroon ding naaresto sa Mandaluyong na ang kasabwat ay taga-barangay din. Ngayon ay eto na naman, may barangay official na namang kasabwat.

Ibig sabihin, maraming nalalaman ang taga barangay kaya naisasagawa ang bentahan ng vaccine slot. Dapat kumilos ang DILG para matigil ang masamang gawaing ito. Tiyak na may mga matataas pang opisyal na nasa likod nito. Sugpuin ang bentahan ng vaccine slot. Kawawa naman ang mga lehitimong residente na hanggang ngayon ay hindi pa nababakunahan. Buwagin ang bentahan ng vaccine slots.

POGO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with