^

PSN Opinyon

Dapat lang manindigan

KA KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Balita ngayon ang pagtaboy ng BRP Cabra (MRRV-4409) sa barkong pandigma ng China na may nume­rong 189 nang lumayag sa loob ng ating exlusive economic zone (EEZ) malapit sa El Nido, Palawan.

Lumayag ito sa Marie Louise Bank na may layong 309 nautical miles sa Palawan. Nagbabala sa pamamagitan ng long range acoustic device ang kapitan ng BRP Cabra sa barko at sinundan hanggang sa makalabas na ng ating EEZ.

Medyo lumapit pa umano ang BRP Cabra sa kanila kaya nagbabala naman na kailangang dalawang nautical miles ang kanilang pagitan. Ang BRP Cabra rin ang nagtaboy sa mga barkong pangisda ng China at Vietnam nang pumasok sa parehong lugar.

Masasabi kong hindi natitinag ang BRP Cabra sa sinumang pumasok sa ating EEZ.

Ito naman dapat ang ginagawa ng ating Philippine Coast Guard. Bantayan ang ating karagatan. Dapat lang talaga manindigan sa ating ipinaglalaban, ating teritoryo.

Nanalo na tayo sa UN Permanent Court of Arbitration kahit hindi ito kinikilala ng China. Doon pa lang marami nang masasabi tungkol sa “kaibigang” China.

Naniniwala ako na wala sa mabuting interes ng China ang makipagsapalaran sa atin sa karagatan, lalo na’t may kasunduan pa tayo sa U.S., ang Mutual Defense Treaty (MDT).

Makikipagpulong nga raw si President Duterte sa U.S. tungkol sa Visiting Forces Agreement (VFA) na kinakailangan para mapatupad ang MDT. Ilang beses nang nagsalita si Duterte na ibabasura na ang VFA pero mabuti at hindi pa nangyayari.

Sana isipin ni Duterte na mahalaga sa bansa ang kasunduan sa U.S. na matagal na nating kaalyado at hindi lang ang kanyang mga personal na isyu rito.

Malawak ang karagatan sa paligid ng ating bansa. Kulang na kulang pa rin sa barko ang Philippine Coast Guard at Philippine Navy para mabantayan ang bawat sulok ng ating karagatan.

Malinaw na hindi naman natin kayang tapatan ang saandatahang lakas ng China. Ganun pa man, ang teritoryo natin ay atin para pangalagaan at pakinabangan.

Kung soberenya ang pag-uusapan, nasa tama tayo para itaboy ang mga nanghihimasok. Matagal na nga dapat nanindigan tulad ng ginagawa ng BRP Cabra.

vuukle comment

BRP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with