^

PSN Opinyon

Pinatay ng asawa at kaibigan

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

May mga sirkumstansiyang maaring palubhain, paga­anin o baguhin ang krimeng ginawa, ngunit kung ang sirkumstansiya ay personal sa isang tao, hindi ito ma­aring gamitin laban sa kasabwat niya sa krimen. Tulad ng kaso nina Paul, Nellie at Tom.

Si Nellie at Paul ay mag-asawa, habang si Tom ay kaibigang matalik ni Paul. Ngunit lingid sa ka­alaman ni Paul, pinagtataksilan siya ng kanyang asawa at kaibigan. Hanggang nagkasundo sina Nellie at Tom na patayin si Paul upang sila na ang makapagpakasal.

Isang araw habang nagtatrabaho si Paul sa bukid dumating si Tom na may dalang pagkain. Matapos kainin ni Paul ang pagkain, nagsuka ito at namatay. Si Tom pa mismo ang nag-abiso ng pagkamatay ni Paul.

Lumabas sa imbestigasyon na si Paul ay nilason. Dahil hindi na mapagtakpan pa ang kanilang ginawa, umamin na si Tom at Nellie sa krimen. Kinasuhan sila ng parricide, ang krimen ng pagpatay sa asawa, anak o magulang.

Matapos ang paglilitis, napatunayan ng mababang hukuman na nagkasala si Nellie at Tom ng pagpatay kay Paul. Ngunit si Nellie lang ang sinentensiyahan ng parricide. Si Tom ay nasentensiyahan ng murder, hindi parricide. Tama ba ang hukuman?

TAMA. Parricide ang krimen ni Nellie dahil ang biktimang si Paul ay asawa niya. Ngunit ang relasyong ito ay hindi maaaring gamiting sirkumstansiya laban kay Tom dahil ito’y personal lang kay Nellie. Kaya si Tom ay may sala ng murder at hindi parricide dahil pinatay niya si Paul sa pamamagitan ng paglason.

Ang paglason ay isang pamaraan na nakabago sa krimen ni Tom na na­ging murder sa halip na homicide. Ang sirkumstansiyang ito naman ay naka-grabe sa krimen ni Nellie at nagpabigat ng kanyang sentensiya (US vs. Bucsit 43 Phil. 185).

vuukle comment

BATAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with