^

PSN Opinyon

Ninakawan at pinatay ng anak

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

(Huling bahagi)

Kinasuhan sina Lance, Jepoy, Bogart at tatlo nilang ka­sama para sa krimen ng pagnanakaw at pagpatay (robbery with homicide) kay Victor. Ang asawa ni Victor na si Josie ay nakaligtas.

Itinanggi nina Lance, Bogart at Jepoy na may kinalaman sila sa krimen samantalang ang iba nilang kasama ay hindi naaresto kaya ang tatlo lang ang tuluyang nilitis sa korte.

Ayon sa hukuman, nagkasala sina Lance, Bogart at Jepoy sa pagnanakaw at pagpatay kay Victor alinsunod sa batas (Art. 294 Revised Penal Code). Hinatulan sila ng habambuhay na pagkakulong at pinagbabayad ng danyos para sa pagkamatay ni Victor.

Inapela ng mga akusado ang desisyon ng RTC pero binawi ni Lance ang apela at si Bogart lang ang tumuloy. Samantalang si Jepoy naman ay namatay na. Inamin ni Bogart na mahina ang kaniyang alibi pero ang kinuwestiyon niya ay ang tibay ng ebidensiya ng prosekusyon.

Pati testimoniya ni Patrolman Rodas sa ulat nito na hindi nagbanggit sa pangalan ng mga akusado ay binusisi niya gayundin ang hindi pagkilala sa kanya nina Josie at Stephen sa testimonya naman ni Andrea.

Pero kinatigan ng Supreme Court ang hatol ng RTC at binago lang ang parusa. Reclusion perpetua ang pinataw sabay pinalakihan pa ang danyos at ginawang P50,000. Ayon sa SC, ang isyu sa kaso ay umiikot sa mga pinag-aralang detalye ng hukuman na base sa kredibilidad ng mga testigo.

Ayon pa sa SC, hindi ito makikialam sa desisyon ng mababang hukuman na humatol sa kredibilidad ng testigo ng magkabilang panig maliban at may mahalagang detalye o sirkumstansiya na hindi napansin o kaya ay nagkaroon ng pagkakamali sa interpretasyon. Pero wala raw ganoon sa kaso.

Napatunayan kasi ng mababang hukuman na naituro ng mga testigong nakaligtas sa karumal-dumal na krimen na sina Josie at apo nitong si Stephen si Bogart at dalawa nitong kasama na sina Jepoy at Lance na mismong anak ni Victor ang maysala. Parehong nakilala ng dalawang testigo ang tatlo.

Ayon kay Josie matalik na kaibigan ni Lance sina Bogart at Jepoy. Itinuro niya sina Jepoy at Bogart na kumuha ng pera nila na naaninag niya sa liwanag ng ilaw habang nakabulagta siya sa sahig. Nakilala rin sila ni Stephen na apo ni Josie at tinawag pa sila sa kanilang mga palayaw nang ang bata naman ang tumestigo sa korte.

Dahil naituro bilang isa sa mga salarin, malabo na ang depensa ni Bogart na alibi. Kahit hindi naipakita na sinaktan niya ang biktima ay may pananagutan pa rin siya sa pagkamatay nito dahil isa siya sa mga kasabwat sa pagnanakaw. Hindi man nabanggit sa impormasyon pero hindi naman nila itinanggi at talagang napatunayan pa sa korte ay ang aggravating circumstance na nangyari ang krimen sa bahay ng mga biktima.

Sa ibang kaso ng pagnanakaw ay hindi ito papansinin pero mahalagang detalye ito sa robbery with homicide. Kung tutuusin ay dapat na kamatayan pa nga ang parusa sa kanila. Ipinagbawal na lang ang death penalty nang ipatupad ang 1987 Constitution kaya reclusion perpetua na lang ang naging hatol (People vs. Enciso et. Al., G.R. 92000, July 5, 1993).

LANCE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with