^

PSN Opinyon

Malalagay sa peligro ang mamamayan

KA KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

May bagong paliwanag ang Palasyo sa pahayag ni President Duterte na bigyan ng armas ang anti-crime volun­teers para matulungan umano ang gobyerno sa pagsugpo sa krimen. Hindi pa raw ito opisyal na patakaran ayon kay Roque.

Noong una, sumang-ayon si PNP chief Gen. Guillermo Eleazar pero sinundan kaagad ito ng paliwanag na hindi sa PNP manggagaling ang mga armas. Puwede naman daw sila bumili ng sarili nila at dumaan sa tamang proseso sa pagbili at pag-aari ng baril. Siyempre sumang-ayon si Sen. Bato dela Rosa, ang PNP na nagpatupad ng madugong kampanya kontra ilegal na droga.

Hindi nakapagtataka na marami ang tumutol sa bagong pahayag ni Duterte. Tama si Sen. Panfilo Lacson na kung walang tamang pagsasanay at pag-iisip baka magbigay ng karagdagang sakit ng ulo. Marami pang mam­babatas at grupo ang tumutol at binatikos itong mungkahi ni Duterte na bigyan ng armas ang mga sibilyan basta’t labanan ang krimen.

Kung mga pulis na may umanong tamang pagsasanay sa paghawak ng baril ay pumapatay o nagpapatayan, nagwawala kapag nakainom na o kung ano pang dahilan, paano pa ang ordinaryong sibilyan?

Tama ang sinasabing “disaster waiting to happen” kapag ipinatupad itong nais ni Duterte. Nakakapangamba na kung sinu-sino lang ang armado. Akala ko ba tutol ang PNP noon na payagan ang mga barangay captain na maging armado matapos ang barilan sa Shaw Blvd.? Ang dapat nga ay maging mas mahigpit ang pulis sa pag-aari ng baril. Hindi lahat ay dapat humawak ng baril.

Nakita natin na mga katulad ni Jonel Nuezca, Hensie Zinampan, Sherwin Rebot at Harold Mendoza ang hindi dapat makahawak ng baril. Lasing, nakipag-argumento, natalo sa bunong-braso, may matagal nang kaalitan na sibilyan ang ilan lamang sa mga dahilan kung bakit sila pumatay ng mga tao, may kapwa pulis pa nga.

Lahat iyan mas dadami na kapag mga sibilyan na binigyan ng otoridad ang papayagan nang humawak ng baril. Nakikita ko na na ipagyayabang, ipapanakot sa kung sino-sino na lang at huwag sana mangyari, pumatay dahil lasing o para sa maliliit na dahilan.

Pag-isipang mabuti itong panukala at baka mas lalong malagay sa peligro ang ordinaryong mamamayan. Kahit sabihin ng gobyerno na dadaan sa pagsasanay ang mga hahawak ng baril, delikado pa rin. Kung ang mga pulis nga na nagsanay nang pormal, nakakalimutan iyon at pumapatay na lang kapag nalasing na.

vuukle comment

GUILLERMO ELEAZAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with